Q-tex

Posted almost 3 years ago Litratong Pinoy

Tuyo. Yang ang LP Theme para sa linggong ito. As usual, medyo nahirapan akong magisip ng ipopost. hehehe =) Pero buti na lang at naglinis ako ng kwarto ko. Nagkaroon tuloy ako ng ideya. :D May naitutulong din naman pala ang paglilinis paminsan-minsan.

Sally Hansen. Insta-Dri Fast Dry Nail Color. Sobrang nagpapasalamat ako sa taong nagimbento ng nail polish na ito. Bakit naman? Eh kasi, ito lang naman ang nail polish na pagka-apply mo eh matutuyo na kaagad. WALANG HALONG BIRO! At para sa akin, na mahilig maglagay ng nail polish habang nakikipagchat at nagte-take ng quizzes sa facebook, eh sobrang laking tulong talaga kung matutuyo kagaad ang nail polish. =) Kung sasabihin mo sa akin na bakit ko naman kasi ginagawa un ng sabay-sabay, eh dahil mahilig akong magmulti-task. =) hehehe.

Napatunayan ko na rin kung gaano ka-effective ang Insta-Dri nuong papunta kami sa bahay ng lola ko. Naisipan ko kasi, the last minute, na maglagay ng nail polish. Last minute, meaning, sasakay na kami ng kotse papunta sa lola ko. Dahil makulit at mapilit akong bata, habang nasa sasakyan ako nagapply ng nail polish. At voila! Nailagay ko ng maayos ang nail polish kahit mabato ang daan, nagawa ko pang magtwit update! :D hahaha.

di naman pala mahirap maglagay ng nail polish habang umaandar ang sasakyan. dapat lang eh quick dry ung kiyutiks at talentado kang tulad ko.

9:32 AM Apr 13th from txt

qtex

“Once you’ve tried Insta-Dri, there’s no turning back.”

Bayaran kaya ako ng Sally Hansen sa post na ito? :P Hehe.

Ito ang aking lahok para sa ika-66 na linggo ng Litratong Pinoy na may temang Tuyo (Dry). Ang litrato ay kinunan habang naglilinis ako ng aking cabinet. Binili ko ung red na nail polish, pero di ko pa nagagamit. :P Black ang paboritong kulay ko ng nail polish.  Bistahin ang lahok ng iba pang miyembro dito. ^_^

kawaii?

Posted almost 3 years ago so random

Cuteness overload with asian picture poses:D http://tr.im/oqIA

11:43 PM Jun 13th from web

Sakto isang buwan at isang araw, pinost ni Arvin ang twitter update na yan tungkol sa isang website na may different asian poses. Saktong isang buwan at isang araw, matapos ang ilang beses na pagpaplano eh sa wakas, natuloy na — ang plano naming magpost ng sarili naming versions ng different Kawaii poses. Why not diba? =) haha!

Asian Pose *karmi&komski*

Kaya ikaw, ano pang hinihintay mo? =) Puntahan mo na ung website, kunin ang camera, ihanda ang pinaka-kawaii pose at ubusin ang memory ng camera mo! :D

she-left-me

She left me.

Posted almost 3 years ago blabbers

Wala na ang kanyang mga kamay na gumagabay sa hawak kong bolpen. Hindi na niya unti-unti binabanggit paunti-unti ang mga salitang nararapat gamitin. Hindi na siya nagbibigay ng mga pahiwatig at ni bakas ay wala na siyang iniwan upang aking subukang tahakin. Iniwan na niya akong tuluyan.

Matagal na akong hindi blogger.

payong

Posted almost 3 years ago Litratong Pinoy, maalaala ko kaya

Di ako nagdadala ng payong. Well, siguro kung sobrang lakas ng ulan, mapipilit mo pa ako. Pero kung ambon lang naman yan, at pwedeng-pwedeng tumakbo para may masisilungan, hindi na ako gagamit. Ang hirap kayang itago ng basang payong. Hassle. Pero, alam mo kung ano ang pinakaOK sa lahat, eh ung may kasama kang may bitbit na payong. Lalo na kung ang kasama mo eh ung taong mahal mo. *insert kilig* yihieee… hahaha. =)

– karmi

Sino ba naman ang magaakalang uulanin kami ng araw na un? Well, ok granted na buwan ng tagulan, at umulan nga ng umagang un, pero naman, akala ko makakaligtas na kami. Akala ko lang talaga un. :|

Nasa kalagitnaan kami ng paglilibot sa La Mesa EcoPark, araw ng Martes, nang nagsimulang umambon. Ok na sana ang isang romantik date, lalo na’t kakaunti lang ang tao sa park. Wala akong payong, buti sya may dala. May tiga-payong na ako, may nakaakbay pa sa akin. Swerte. Sana umulan na lang parati. =) hehe. Magaalas-dose na’t kaya kumain kami ng tanghalian, kasabay naman ng pagtila ng ulan. Ayos, pwede sabi ko, makakapaglibot ulit kami. Pero parang nananadya talaga ang panahon, biglang lumakas ang ulan pagkatapos naming kumain. Ewan kung pinagdarasal ba nya ito, siguro, para maka-akbay ulit sya sa akin.

payong

Sa halip na makapaglibot, nastranded kami sa loob ng isang shed kasama sina manong na natigil ang pagtatrabaho. Doon namin nilatag ang dala nyang kumot, at sabay na pinanood ang pagpatak ng ulan. Magkahawak kamay kaming nagkulitan at nagkwentuhan, habang pinapatuyo ang payong na dala. Medyo matagal din kaming nagstay doon, kasama ang iba pang mga sumilong dahil sa lakas ng ulan. Magaalas-dos na rin ng hapon nang maisipan naming umuwi na lang, dahil mukhang di na rin naman kami makakapaglibot. Umuwi kami ng maaga sa plano dahil sa pagulan. Nakakapanghinayaan ang araw, sayang talaga. Pagdating namin ng Cubao, umulan ulit, pero ibang kwento na un. :)

Isang maulan na araw, isang payong. Inulan ung araw na naging perpekto sana. Pero kahit na ganun, sa tuwing mararamdaman ko ang kanyang kamay sa aking balikat, at ang pagnanais nyang hindi ako mabasa ng ulan, masaya na rin ako sa nangyari. =)

Minsan talaga, mas mabuti pang walang dalang payong.

Ito ang aking lahok para sa ika-65 na linggo ng Litratong Pinoy na may temang Basa (wet). Ang litrato ay kinunan noong June 17, 2008 habang nasa shed kami at sina manong eh nagtsitsismisan. Inulan talaga kami ng araw na un, pero sabi ko kasi, rain or shine, eh aalis kami ni Arvin. =) Bistahin ang lahok ng iba pang miyembro dito. ^_^

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.