Ang hirap magconcentrate lalo na’t inaantok at kung anu-ano ang iniisip. May nagawa na naman akong mali. Lagi na lang. Badtrip. Kahit andito sa trabaho’y ikaw ang iniisip ko. Tayo. Oo tayo. OK pa ba tayo?
Sana magising ka ng maaga para makatawag ka. Pramis, di na kita aawayin. Di na ako magaastang badtrip sayo dahil unang-una, wala naman akong dapat ikabadtrip. Mga ilang beses na rin nangyari ito noh? Madami-daming beses na rin. Natatawa na nga lang ako kapag may nagtatanong kung nagaaway daw ba tayo. Natatawa na lang ako.
Andito ako sa trabaho ngayon na dapat eh nagaayos ng payroll ng mga empleyado ng ospital, pero sa halip, heto ako’t nakabukas ang untitled na notepad dahil gusto kong ilabas ang mga nararamdaman ko. Gusto kitang makausap. Gusto kong pumunta sa tabi mo para mayakap ka’t sabihing sorry. Gusto kong tabihan ka sa pagtulog mo ngayon, gusto kong sabihin sayong magiging maayos ang lahat dahil magkasama na tayo. Gusto kong maramdaman mong kahit lagi man kitang inaaway ay mahal pa rin kita. Mahal na mahal.
Sobra.
Nga pala…
Sorry na.





gaya ng sabi mo
PMS lang yan!
awww… (: you two will be okay.. (: mahirap talagang mag concentrate, pag may ka tampuhan.. lalo na’t mahal na mahal mo tapos ang layo pa nila.. haaaay.. (: