agahan bago matulog
Panggabi ako sa trabaho, kaya naman minsa’y hindi ko siguro kung saan ba akong kakain ng almusal. Hanggang alas-nuebe ng umaga ang pasok ko, at madalas eh gutom na ako ng mga oras na un. Pag minsan ay bumibili ako ng pagkain sa cafeteria. Kapag naman alam kong susunduin ako ng kapatid ko, inaantay ko na lamang ang uwian para sabay-sabay na kaming kakain ng agahan na aabot na ng tanghalian sabay punta ng mall. Kumakain naman ako sa bahay, lalo na kapag alam kong walang pasok ang nanay ko.
Kanina, nagkaroon kami ng meeting. Nagstay kami ng medyo late at nagkaroon pa ng overtime. Isa lang ang ibig sabihin ng meeting para sa akin. MEETING = FREE FOOD. =) ok ok. Nakinig naman ako sa presentation nila kanina, habang kinakain ang bagel na may cream cheese. Saka ko naalalang LP nga pala. Kaya naman agad-agad kong kinuha ang aking celphone para kunan ang kinakain ko.

Ito ang aking almusal. Bagel, Scone at isang basong punch. May breakfast taco pa nga, pero di na ako nakakuha.
Ito ang aking lahok para sa ika-69 na linggo ng Litratong Pinoy na may temang Almusal. Ang litrato ay kinunan kanina gamit ang aking celphone. Bisitahin ang lahok ng mga miyembro dito.





I love bagel and cream cheese then kape. Solve na sa n ako sa umaga :)
Happy LP sa inyo :)
sosyal ang scone ha :)
ito naman ang aking lahok: http://sunshinearl.com/2009/lp-almusal-breakfast/
happy LP!!!!
Di ko luv ang bagel nung una kung dating dito – pero ngayon, ibang usapan na. masarap lalo na kung toasted with cream cheese.
pareho po tayo! =) hay, kahit lagi kong kainin yan, solb na!! hehehe
ako din Brunch person
sana maibigan nyo rin ang aking lahok
magandang araw ka-litratista :)
Salamat sa pagbisita :)
sarap naman nyan! parang tagal kong hindi nakadalaw… dami na pala bago :D
musta na? :D
oh yum, I love scone! Hindi nakakataba he he ;)
Ako din nuon sa trabaho, masipag umattend ng meeting, kasi may libreng pagkain, pagkatapos :D
sosyal ng agahan mo:) nakakabusog ba talaga ang mga yan? maligayang LP sa iyo!
nakakabusog naman ate =) matapos mong kumain ng mga dalawang bagel. hehehe
Sosi naman ng breakfast mo. Ano nga pala ang scone? LOL!
Ito nga pala ang lahok ko: http://www.maureenflores.com/2009/08/litratong-pinoy-almusal-breakfast.html
ang sarap naman ng almusal nyo. sosyal pa….
ito pala ang sa akin: http://sweetcarnation.blogspot.com/2009/08/lp-almusal.html
Yummy. sarap ng cream cheese.
andito naman ang aking lahok
Free food talga ang masarap sa mga meeting at seminars eh. Kahit na wala namang naiintindihan. Lol!
Eto naman ang almusal ko.
Happy LP!
BAGEL! :P
nagutom ako ngayon tuloy ate.
12:37am na oh! Tsk! :P
Masarap yan! Cream cheese ba yun? Mas gusto ko yan kung kape ka-partner. Sabi na nga ba gugutumin ako sa LP!
ahaha, ok yun, fave ko din cream cheese sa biscuit!
sana kinuhanan mo ung taco :p
xuxal ang breakfast…talagang bagel. hehehe! sarap nyan lalo na with coffee :)
ako ay dumaan ngunit nagutom agad…kaya kumain muna para may lakas pa para magbloghopping…
not the usual ah. hehehehe… i usually just eat pandesal during breakfast. except when im traveling. hehehe…
Natawa ako sa meeting=free food… basta libre ayos!
ang sosyal na agahan naman niyan! :)
sabagay parehas tayo ng sistema :)
GY din kasi ang drama ko sa trabaho…
Eto ang almusal ko: http://ruthay.net/2009/08/litratong-pinoy-11-almusal-breakfast.html