Letter for the Bride

Posted almost 3 years ago heart-to-heart

Mahalyn,

Kamusta naman. Hindi ko akalaing gagawa ako ng ganitong sulat – at lalong di ko inakalang sayo pa. Haha! Naku, kapag nabasa mo ito, eh baka batukan mo ako. Pero buti na lang eh hindi mo kaya. :P

Ikakasal ka na tol. Ilang oras na lang, di ka na single. Katulad nga ng sabi mo sa text, “Goodbye na sa pagkadalaga”. Grabe, ang bilis ng panahon noh? Eh parang kailan lang nang maging barkada tayo sa college. Wala kang boiprend buong college years natin, hindi ka masyadong namomoroblema sa lalake, pero kita mo naman, ikaw ang unang ikakasal sa barkada. Astig. =) Sobrang saya ko talaga para sayo tol! Pero naman, wala ako sa kasal mo. =(

Ikaw na ata ang pinakapasaway sa ating lahat, well, oo na, ako na ung una. Isa lang naman ang bilin ko sa inyo mula nung umalis ako ng Pinas, na sana kung may ikakasal sa inyo, eh sana, sana lang naman, sabihan nyo ako ng maaga para makauwi ako. Sinunod mo ba? Hinde. Nakatanggap na lang ako ng text galing kay Esel noong 3rd week of July na ikakasal ka na ng August. Anakng. Hahaha. Di ako makakauwi ng ganun-ganun na lang. Pasaway ka talaga tol! Hehehe. Tas minessage mo pa ako sa friendster na abay ako sa kasal mo. I love you na! Talagang sobrang pang-iinggit na ang ginagawa nyo. Madaya. Pero kung andyan man ako, di siguro ako papayagang magovernight. Hahaha. Pahirapan na naman sa pagpapaalam tol.

Tinext mo ako kanina lang, sabi mo nga, ikakasal ka na bukas at pinaalalang pumunta ako. Naluha ako tol. Sira ka kasi. Naalala ko ung mga batok at pangaral na binigay mo sa akin noong college. Na sa tuwing iiyak ako magagalit ka, sasabihan mong ang epal ko. Ikaw ang pinakaprangka at medyo masakit magsalita sa atin. Actually, feeling ko, takot kaming lahat sayo. Ikaw kasi ang maton sa atin diba? Tas ngayon, ikakasal ka na. Saya. :) Sayang talaga, wala ako sa espesyal na araw mo. Gusto kitang yakapin at sabihan na ang landi mo. Naku, di ko pa pala nakikilala ng personal yang magiging asawa mo. Nakausap ko lang sya sa telepono. Mukha namang mabait, feeling ko magkaugali kayo. :) Naalala mo ba ung huling usap natin? Noon mo sinabing balak mo nang magpakasal pero di mo alam kung pano ka papayagan. Haha! Hanggang ngayon, pasaway ka pa rin. Pero ayan, matapos ang ilang buwan, matutupad na ang hiling mo. :)

Muli, congrats tol. At kahit na may asawa ka na, alam mo namang andito pa rin kami para sayo. Andito lang ako, malayo man, alam mo namang pwede mo pa rin akong makausap. Goodluck sa panibagong chapter ng buhay mo. Buhay nyo. =)

Hay naku, maiinggit na naman ako sa pictures nyo. Booo! Pampam ka kasi eh. Pwede bang next year ka na lang ikasal para maka-attend ako? :D hehehe.

 I love you tol!

– Carme

Ps.
Next year na regalo ko ha. =)

5 Responses to “ Letter for the Bride ”

  • rio said,

    sayang naman at di ka makakapunta sa kasal ng friend mo.kakalungkot nga yun dahil hindi mo masasaksihan personally ang isa sa pinaka mahalagang araw ng kaibigan mo.di bale, bawa ka nalang karms..kapag ikinasal ka na imbitahan mo silang lahat at magpasabi ka kaagad..

    ehem…wag mo ako kalilimutan kumbidahin ha..hehhe

    *akap

  • theyz said,

    ..hehe..d bale, sa kasal ni esel dapat mkaatend ka.. lol! mishu tol! ksama ka nman sa barkada picture eh! ikaw nga lng ung celfone..hehe..love you tol! mwah!

  • yeye said,

    Gusto kitang yakapin at sabihan na ang landi mo.

    -poteks benta to ah :D

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Give your voice a face! This blog uses Gravatars, or thumbnail-sized pictures that's linked up with the email address you use in commenting.

Spam protection by WP Captcha-Free

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.