sa loob ng isang oras
..naramdaman kong kasama ko sila. Sa bawat selebrasyon ay para pang andun ako’t nakikitawa’t nakikipagkulitan. Pinagpapasa-pasahan ang telepono habang pinagdarasal ko na sana’y mas mahaba pa sa isang oras ang tawag. Para naman makausap ko sila ng matagal.
Ganyan na ang drama ko mula nang mapunta ako ito sa Amerika. Mga ilang birthdays, inuman sessions, paggala sa mall at out of town trips na rin ang namiss ko. Pero kahit na wala ako dun, pinilit kong makatawag. Gusto kong tumawag. Kahit na sobrang ingay sa loob ng bar, nawawalan palagi ng signal o di kaya’y sadyang bingi lang ung kausap ko kaya di nya ako marinig, eh tatawag pa rin ako. Hay. Namimiss ko na talaga sila.
Teka, bat naging madrama post to! Haha. Hindi dapat malungkot. Maging masaya dapat dahil kahit na nasa malayo ako, di pa rin nagbabago ang samahan. Di pa rin nakakalimot. =)
Kasama pa rin ako kapag birthday..

O kaya out of town. Masaya na akong marinig ang tawanan at pagaaway nila sa kabilang linya..

Hanggang sa pinakaimportanteng okasyon sa buhay nila, kasama pa rin ako.. =)

Sa loob ng isang oras na tawag, kahit na halos walong libong milya ang layo, parang nakakasama ko na rin sila. ^_^





..tol! ang drama mo! pero na-tats ako..hayyy..miss ka na namen sobra!!!!!! love you tol!
hehehehe. grabe nga eh. hay, bat ba kasi…..
basta next year paguwi ko!!! :D:D:D:D miss ko na rin kau! =) mwah!
nasa pic ka nga., ung cellphone. hehehe :)
basta tol sa kasal ko. hahaha. yak. asa naman ikakasal hahahaha
at basta tol, sa kasal mo din. hahahaha:D
saya nga pag mga taong ito ay naging bahagi na ng buhay natin.
ay…natouch ako…grabe…mis yah tol! sna mkauwi ka na…=(
tol!!! March makakauwi ako ^_^ excitedness!!! :)
miss yah too!