lunch out!

Add comments August 13, 2009 » 386 days ago
Litratong Pinoy, buhay SATown

LP logoSinundo ako ng nanay at mga kapatid ko sa trabaho, Martes ng umaga. Pagkagaling sa trabaho’y dumiretso kami sa Lola ko. Tumambay saglit at pagtapos ay sinabi kong pumunta kami ng mall. Maga-alas dyes pa lang ng umaga nun. Sakto, kami ang magbubukas ng mall.

Dumating kami doon ng limang minuto pasado ala-dyes. Gutom na ako. Kaya bago pa man maglibot, eh dumiretso na kami sa foodcourt. Bukas na ang foodcourt, un nga lang, wala pang lutong pagkain dun sa gusto naming kainan. Chinese food ang trip namin ngayon. Kaya naman, kahit na bukas na ang ibang foodchains, eh hinintay talaga namin ung Chinese resto na gusto namin. Anung ginawa namin habang naghihintay? Nanood ng TV at nagpictorial.

istowlen 1 istowlen 2
Hindi naman masyadong halatang gutom ano? hehe.

Halos magiisang oras na rin siguro bago kami nakakain. Worth it naman ang paghihintay dahil, bagong luto, mainit-init pa ang pagkain. Susubo na dapat ako, nang maalala ko ang LP theme ngayong linggo. Tanghalian. Sakto. =)

Orange Chicken.Orange Chicken with Fried Rice.

Ito ang aking lahok para sa ika-70 na linggo ng Litratong Pinoy na may temang Tanghalian. Ang litrato ay kinuhanan gamit ang aking celphone. Alamin kung anung kinakain ng iba pang miyembro kapag tanghalian dito.

18 Responses to “ lunch out! ”

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Give your voice a face! This blog uses Gravatars, or thumbnail-sized pictures that's linked up with the email address you use in commenting.

Spam protection by WP Captcha-Free

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.