Ang sama sama sama sama kong girlfriend.
Kunwari, may boyfriend o girlfriend ka. Diba dapat alam mo ang lahat ng tungkol sa kanya? Well, ok sige, hindi naman lahat, pero dapat alam mo ung basics tungkol sa kanya — address, birthday, cellphone number, paboritong kulay, crush, paboritong pagkain at syempre pangalan. Alam ko ang sagot dyan — Bulacan, 04/08, 09198xx-xx-xx, green o blue, Toni Gonzaga, adobong manok. Pangalan, oo, alam ko ang pangalan nya. Arvin Castro. Pero alam ko ba ang middle name ni Arvin? Oo. Pero nakalimutan ko.
Ang sama sama sama sama kong girlfriend.
Sinabi na sa akin ni Arvin ung middle name nya dati. Hindi ko dapat makalimutan un eh. Dapat automatic na alam ko ang sagot kapag tinanong ako. Katulad kanina, dapat sinagot ko kaagad un nung tinanong nya ako. Pero para di nya mahalatang hindi ko alam, tinanong ko sya kung alam nya middle name ko. Di ko na dapat ginawa un, napahiya pa tuloy ako. Parang kinarma ako. Nasagot nya kaagad, habang ako’y, gino-google na ang sagot. Anakng. Nakalimutan ko talaga.
Hanapin mo na lang ung UPCAT Results ng 2004. Malay mo andun pa un.
Yan na lamang ang nasabi nya sa akin bago sya magbabay dahil matutulog na daw sya. Ang sama talaga sa pakiramdam. Pano ko nagawang makalimutan un? :( Badtrip. Hehe. Kaya naman, nagresearch ako. At hindi ako tumigil hangga’t di ko nalalaman ang sagot. Sa dami ng Arvin Castro sa mundo, pano ko nga ba malalamang si Arvin nga un..
Handa na akong sumuko, ayoko namang manghula na lang ng middle name, dahil parang mas masama ata un, nang biglang may nakita ako sa search na ginawa ko. ORTEGA. Ortega nga ba? Parang, oo. Kaya sinearch ko ulit sa google ung buong pangalan (para sigurado). At ito ang unang post na lumabas sa search.
Ang sama sama sama sama kong girlfriend. (repeat until fade.)
Kinailangan ko pang i-search sa google para lang malaman ang middle name ng boyfriend ko. Sorry naman. Tama nga ata si Arvin, na tumatanda na nga talaga ako. Hehe. Promise, di ko na kakalimutan middle name nya! :D Hmm, baka may makalimutan na naman ako. Paguwi ko nga ulit ng Pinas, bibili ako ng Autograph book at pagsusulatin ko sya dun. =) Hehe.
Lesson:
When your memory fails, Google it.













ok lang yan. there’s always a first time.hehe
oo nga!
ako din pasagot sa slumbook hehe. epal ako!
hala lagot ka tol hahaha jk
GoOgle is the man! Savior! Haha.. Ortega nga b ang kanyang M.I.? buTi nahanap m0..
“Lesson:
When your memory fails, Google it.”
ayos yan!!! ganyan din gawain ko eh =))
masamang girlfriend?? ….hindi kaya.
hindi nman siguro masamang girlfriend.. marami ka naman na sigurong napatunayan para matakpan yun hehe.. :D
hehehehehehehehe mabuti na lang at nai-blog…
uo nga…
ANG SAMA SAMA MONG GIRLFRIEND..
echos lng ate…
ok lng un..nahanap mo nb ang sagot?
^,^