update!

Add comments August 31, 2009 » 202 days ago
blog update

Ayun, so kamusta naman? :) Isa lang tong quick update gamit ang Wordpress app dito sa iPod Touch ko. Napansin ko kasi na kalahating buwan na kaming hindi nagu-update dito sa kundiman. Busy, tinatamad – ayoko na lang magdahilan pa kung bakit nga ba wala kaming update. Basta un. :)

Marami akong gustong ikwento, i-share pero di ko magawa. Ito ung mga panahong iniisip ko na sana eh anonymous blogger na lang ako – para kahit anong ilagay ko dito eh ayos lang. Para walang nakakakilala. Ang hirap kasi, alam na ng mga offline friends at kamag-anak ko itong blog. Hindi na tuloy ako makapagsulat. Ang hirap i-expalin pero parang mas madali kasi akong magopen up sa hindi ko kakilala. Nawiwirduhan nga kapatid ko sa akin, dahil bakit daw pinapabasa ko sa mga di ko kakilala ang mga problema o kaartehan ko sa buhay pero galit na galit naman ako kapag nababasa nila ung personal diary ko. Ewan. Wirdo nga.

Sa mga nagtatanong kung kamusta naman kami ni Arvin, eh ok naman kami. :) Going strong ang stronger. Strongest pa nga ata. Hehe. At syempre pareho kaming nae-excite sa nalalapit kong paguwi. :) Sa wakas! Hehe.

September na bukas. Sana makapagupdate na ako ulit regularly. Pang-8 ata na blog entry tong ginagawa ko sa buong buwan ng Agosto. 8 out of 31. Pambihira. Hehe:) September na bukas. Malapit na akong magbirthday. Isang buwan na lang. Excited hehe.

1030pm na, 1130am naman sa Pinas. Inaantok na ko :)

Nga pala, salamat ulit sa mga taong bumibisita dito sa blog at nagco-comment. :) Salamat dahil madami ata ang nai-inspire dito sa blog namin. Nakakatuwa lang na may naau-sweetan pa rin kahit papano. Hehe:)

O cya, quick update pero ang haba naman:)

Mga Kahalintulad na Posts



3 Responses to “ update! ”

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Give your voice a face! This blog uses Gravatars, or thumbnail-sized pictures that's linked up with the email address you use in commenting.

Spam protection by WP Captcha-Free

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.