fangirl mode on!

Posted almost 3 years ago starstruck

OK. Nakagawa tuloy ako ng isang post dahil sa nangyari kanina. =) Gusto ko nga palang magsorry sa kapatid ko na namula ata ang braso *braso daw sabi ng kapatid ko* sa sobrang higpit ng pagkakahawak ko sa kanya. Hindi kasi ako makapaniwalang mangyayari ito. Hahaha. Kung pagtapos mong mabasa tong post ko, eh iisipin mong ambabaw ko namang nilalang, eh tama ka. Mababaw lang talaga kasi ako. ^^,

Kausap ko si Yeye sa YM habang naglalaro ako ng games sa facebook nang biglang tumunog ang celphone ko. Ang akala ko’y si Arvin lang ang nagtext, pero nawindang ako sa nabasa kong text. As in.

Direct message from @nikkigil*click the image to enlarge*

Direct from nikkigil. NAGDIRECT MESSAGE SA AKIN SI NIKKI GIL! Hahahaha. =)

Sinagot nya ung twitter update ko kung saan medyo napangitan, ok di lang pala medyo, napangitan ako dun sa production number nila sa ASAP. Kamon, 2NE1 at Wondergirls un. Sensya naman, alam ko kasi ung dance routine kaya medyo harsh ung naging update ko…

sorry ha, pero bakit parang di nagpraktis ung sa ASAP. Giggerboys lang nagustuhan ko. ay, pati pala ung buhok ni @nikkigil. =)

about 22 hours ago from TweetDeck

Oo, talagang si Nikki Gil lang ung tiningnan ko the whole time na sumasayaw sila. Hehehe.

Grabe, mga ilang minuto ata akong di makapaniwalang nagDM sa akin si Nikki. At nang subukan kong magreply sa kanya, saka ko naalalang di nga pala pwedeng magdirect message kapag di ka nya fino-follow. Kaya nag @reply na lang ako. =)

Haha. Saya saya. =) Feeling ko tuloy close na kami! Kulang na lang eh hingin ko ung BB ID nya. Haha! Pero wag na lang, baka mawirduhan na sya sa akin. Masaya na ako na kahit sa isang simpleng direct message eh na-acknowledge nya ang presence ko. Hehe, may ganun. ^_^

PS.
Sa mga magtatanong kung si Nikki Gil ba talaga un, eh oo. Sya un. Ramdam ko. Hehehe. =)

sa loob ng isang oras

Posted almost 3 years ago heart-to-heart

..naramdaman kong kasama ko sila. Sa bawat selebrasyon ay para pang andun ako’t nakikitawa’t nakikipagkulitan. Pinagpapasa-pasahan ang telepono habang pinagdarasal ko na sana’y mas mahaba pa sa isang oras ang tawag. Para naman makausap ko sila ng matagal.

Ganyan na ang drama ko mula nang mapunta ako ito sa Amerika. Mga ilang birthdays, inuman sessions, paggala sa mall at out of town trips na rin ang namiss ko. Pero kahit na wala ako dun, pinilit kong makatawag. Gusto kong tumawag. Kahit na sobrang ingay sa loob ng bar, nawawalan palagi ng signal o di kaya’y sadyang bingi lang ung kausap ko kaya di nya ako marinig, eh tatawag pa rin ako. Hay. Namimiss ko na talaga sila.

Teka, bat naging madrama post to! Haha. Hindi dapat malungkot. Maging masaya dapat dahil kahit na nasa malayo ako, di pa rin nagbabago ang samahan. Di pa rin nakakalimot. =)

Kasama pa rin ako kapag birthday..

es2pidas birthday

O kaya out of town. Masaya na akong marinig ang tawanan at pagaaway nila sa kabilang linya..

inuman sa Baguio

Hanggang sa pinakaimportanteng okasyon sa buhay nila, kasama pa rin ako.. =)

es2pidas got married

Sa loob ng isang oras na tawag, kahit na halos walong libong milya ang layo, parang nakakasama ko na rin sila. ^_^

Letter for the Bride

Posted almost 3 years ago heart-to-heart

Mahalyn,

Kamusta naman. Hindi ko akalaing gagawa ako ng ganitong sulat – at lalong di ko inakalang sayo pa. Haha! Naku, kapag nabasa mo ito, eh baka batukan mo ako. Pero buti na lang eh hindi mo kaya. :P

Ikakasal ka na tol. Ilang oras na lang, di ka na single. Katulad nga ng sabi mo sa text, “Goodbye na sa pagkadalaga”. Grabe, ang bilis ng panahon noh? Eh parang kailan lang nang maging barkada tayo sa college. Wala kang boiprend buong college years natin, hindi ka masyadong namomoroblema sa lalake, pero kita mo naman, ikaw ang unang ikakasal sa barkada. Astig. =) Sobrang saya ko talaga para sayo tol! Pero naman, wala ako sa kasal mo. =(

Ikaw na ata ang pinakapasaway sa ating lahat, well, oo na, ako na ung una. Isa lang naman ang bilin ko sa inyo mula nung umalis ako ng Pinas, na sana kung may ikakasal sa inyo, eh sana, sana lang naman, sabihan nyo ako ng maaga para makauwi ako. Sinunod mo ba? Hinde. Nakatanggap na lang ako ng text galing kay Esel noong 3rd week of July na ikakasal ka na ng August. Anakng. Hahaha. Di ako makakauwi ng ganun-ganun na lang. Pasaway ka talaga tol! Hehehe. Tas minessage mo pa ako sa friendster na abay ako sa kasal mo. I love you na! Talagang sobrang pang-iinggit na ang ginagawa nyo. Madaya. Pero kung andyan man ako, di siguro ako papayagang magovernight. Hahaha. Pahirapan na naman sa pagpapaalam tol.

Tinext mo ako kanina lang, sabi mo nga, ikakasal ka na bukas at pinaalalang pumunta ako. Naluha ako tol. Sira ka kasi. Naalala ko ung mga batok at pangaral na binigay mo sa akin noong college. Na sa tuwing iiyak ako magagalit ka, sasabihan mong ang epal ko. Ikaw ang pinakaprangka at medyo masakit magsalita sa atin. Actually, feeling ko, takot kaming lahat sayo. Ikaw kasi ang maton sa atin diba? Tas ngayon, ikakasal ka na. Saya. :) Sayang talaga, wala ako sa espesyal na araw mo. Gusto kitang yakapin at sabihan na ang landi mo. Naku, di ko pa pala nakikilala ng personal yang magiging asawa mo. Nakausap ko lang sya sa telepono. Mukha namang mabait, feeling ko magkaugali kayo. :) Naalala mo ba ung huling usap natin? Noon mo sinabing balak mo nang magpakasal pero di mo alam kung pano ka papayagan. Haha! Hanggang ngayon, pasaway ka pa rin. Pero ayan, matapos ang ilang buwan, matutupad na ang hiling mo. :)

Muli, congrats tol. At kahit na may asawa ka na, alam mo namang andito pa rin kami para sayo. Andito lang ako, malayo man, alam mo namang pwede mo pa rin akong makausap. Goodluck sa panibagong chapter ng buhay mo. Buhay nyo. =)

Hay naku, maiinggit na naman ako sa pictures nyo. Booo! Pampam ka kasi eh. Pwede bang next year ka na lang ikasal para maka-attend ako? :D hehehe.

 I love you tol!

– Carme

Ps.
Next year na regalo ko ha. =)

agahan bago matulog

Posted almost 3 years ago Litratong Pinoy

LP logoPanggabi ako sa trabaho, kaya naman minsa’y hindi ko siguro kung saan ba akong kakain ng almusal. Hanggang alas-nuebe ng umaga ang pasok ko, at madalas eh gutom na ako ng mga oras na un. Pag minsan ay bumibili ako ng pagkain sa cafeteria. Kapag naman alam kong susunduin ako ng kapatid ko, inaantay ko na lamang ang uwian para sabay-sabay na kaming kakain ng agahan na aabot na ng tanghalian sabay punta ng mall. Kumakain naman ako sa bahay, lalo na kapag alam kong walang pasok ang nanay ko.

Kanina, nagkaroon kami ng meeting. Nagstay kami ng medyo late at nagkaroon pa ng overtime. Isa lang ang ibig sabihin ng meeting para sa akin. MEETING = FREE FOOD. =) ok ok. Nakinig naman ako sa presentation nila kanina, habang kinakain ang bagel na may cream cheese. Saka ko naalalang LP nga pala. Kaya naman agad-agad kong kinuha ang aking celphone para kunan ang kinakain ko.

almusal

Ito ang aking almusal. Bagel, Scone at isang basong punch. May breakfast taco pa nga, pero di na ako nakakuha.

Ito ang aking lahok para sa ika-69 na linggo ng Litratong Pinoy na may temang Almusal. Ang litrato ay kinunan kanina gamit ang aking celphone. Bisitahin ang lahok ng mga miyembro dito.

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.