
Nakuha ko to sa tumblr ni Noi. Gusto ko sana syang gawin sa tumblr account ko, pero panay pictures lang ang nilalagay ko dun. Kaya naisipan kong gawin na lang dito sa kundiman. Para naman may update. =)
If I could go back 5 years, 2004 un, ano nga bang sasabihin ko sa sarili ko?
- Wag mo nang ituloy ung pakikipagLDR. Hindi magwo-work out un eh, lolokohin ka lang at hindi sya makakapaghintay. 5 years from now, magaasawa rin sya at magkakaanak. Hindi mo deserve ang masaktan ng sobra.
- Mahuhumaling ka sa pagiinternet. Magkakablog at magkakaroon ng mga kaibigan at kaaway dahil dito. Don’t worry, mas marami naman ang kaibigan. Wag ka lang magtitiwala agad-agad sa mga taong kakausap sayo.
- Magkakaroon ka ng boyfriend na blogger. Maraming kikiligin sa love story nyo. Masaya ka sa kanya kahit na lagi mo rin syang aawayin. Wag kang maging pasaway dahil baka tuluyan na syang maasar sayo.
- Kung sasagi man sa isip mo ang kagustuhan na mag-aral ulit, gawin mo ang lahat para matuloy un! Sayang ang panahon. Magiging ok ka naman sa trabaho mo, pero mag-aral ka pa rin. Di mo naman siguro gugustuhin na maging night shift buong buhay mo diba? Mag-aral ka na rin kagad magmaneho.
- Magdiet kung ayaw mong magreklamo na tumataba ka na.
- 5 years from now, 25 ka na. Isipin mo na kung ano ba talaga ang gusto mong mangyari sa buhay mo.
Hindi naman siguro mabibigla masyado ung past self ko sa mga sasabihin ko. Sana. Hehe. Mawiwindang lang un sigurado. Pero napagisip-isip ko, habang ginagawa ko ung list sa itaas, kung hindi mangyayari ung pinakaunang nilagay ko, hindi naman ako makakapagblog at hindi ko rin makikilala si Arvin. Hindi ako magiging ganito kasaya ngayon. Hmmm, papayuhan ko na lang siguro sya na magingat at maging handa sa pupwedeng mangyari. ^_^
Pero tingin ko, kahit na sabihan ko pa ang sarili ko ng mga advice from the future eh hindi pa rin nya ito susundin. Haha! Makulit na bata. :P





Naku, mukhang hindi magkakasya espasyo ko rito pag sinagot ko yang tanong na yan. hehehe Musta na? Yngat lagi. God Bless.
kung ako babalik 5 years ago..
sasabihan ko sarili ko na.magseryoso sa pagaaral para cumlaude ako at mataas ang board rating
haha. ambisyosa.
Thank you muna sa pagiimport ng entries ko sa painuminmoko. Magiisang taon na pala ako sa october nakahost sa idlip. Ang saya saya..Akalain mo yun! :) at ito pa, lahat ng m0nths mer0n akong entries, hehe.. Unbelievable. Offtopic topic toh.Thank you ulit!
Isn’t it nice dahil sa blogworld natagpuan mo ang soulmate mo, a love story na hindi PDA pero kakapulutan ng aral.. Yan ang masasabi sa relationship nyo, kc oras man ang mamagitan sa inyo at distansya. Love is still stronger whatever it is.
At xmpre nd2 kami ni clarisse,yeye and me. Na tunay na friendship sa blogworld. :)