Huy, Bawal Diyan!

Posted almost 3 years ago Litratong Pinoy

Stairway“Aakyat tayo dyan? Seryoso?” Yan na lamang ang natanong ko kay Arvin nang maisipan nyang umakyat sa napakahabang hagdan na yan sa La Mesa EcoPark. Hindi biro ang haba at taas ng nasabing hagdan, pero sabi ni Arvin, makikita daw namin sa itaas ang mismong La Mesa Dam, kaya pumayag na rin ako.

Nasa kalagitnaan pa lang ata kami ng pagakyat nang makita  namin ang dalawang matanda, isang babae at lalake na pababa na. Nakakahiya nga dahil habang kaming dalawa ni Arvin ay hingal na hingal sa pagakyat, ang dalawang matanda nama’y parang wala lang, hindi batid ang pagod, nagkukwentuhan pa. Madaya, dahil pababa na sila. Hehe.

eco park 004Tumambay kami saglit ni Arvin sa itaas, para na rin magpahinga at syempre, magpicture taking. Mainit ang panahon pero di namin ito pinansin, dahil walang patid na kwentuhan, kulitan at kodakan ang nangyari. Nakita rin naman namin ang La Mesa Dam pero di kami nakalapit dahil may harang ang paligid ng dam. Pero natigilan din kami sa aming ginagawa, dahil may nakita kaming police mobile na tumigil sa tapat namin. Ang buong akala nami’y bababa ang pulis at paaalisin kami. Hehehehe. Pero di naman iyon nangyari dahil umalis na rin ang mobile matapos ang ilang minuto.

Napagdesisyunan na rin naming umalis na, bago pa bumalik ung pulis at para makapaglibot na sa buong park. Nga pala, hindi namin nakuhanan ng litrato ung mismong Dam dahil may nakalagay na karatula dun.

Restricted Area

Hmmm, ito kaya ung dahilan kung bakit may pulis na tumigil sa tapat namin? Lagot pala kami kung nagkataon. Hehehe.

Ito ang aking lahok para sa ika-75 na linggo ng Litratong Pinoy na may temang Karatula. Ang litrato ay kinuhanan last year at dahil hindi namin mapicturan ang dam mismo, ung karatula na lang ang kinuhanan ni Arvin. Bisitahin ang  lahok ng iba pang miyembro dito.

8 Responses to “ Huy, Bawal Diyan! ”

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Give your voice a face! This blog uses Gravatars, or thumbnail-sized pictures that's linked up with the email address you use in commenting.

Spam protection by WP Captcha-Free

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.