sa iyong pagtulog

Add comments September 23, 2009 » 179 days ago
inlove

Anung oras na’y gising ka pa. Pilit mong nilalabanan ang antok at pagod dahil kauuwi mo lang galing trabaho. Buong sigla ka pa ring mangungulit at magtatanong kung anung nangyari sa araw ko. Araw-araw ganyan, araw-araw madami kang kwento. Araw-araw pagpatak ng alas-syete ng umaga dyan, alas-otso naman ng gabi dito, magkausap na tayo.

Pero iba ngayong araw na ito. Sobrang antok ka na, pero pinilit mo pa rin akong makausap. Aalis din naman kasi kayo ng nanay mo, kaya’t sabi mo’y di ka na matutulog. Oo, kausap kita habang ginagawa ko ang entry ko ngayon. Nangingiti ako habang pinapakinggan ang iyong paghilik. Sana’y andyan ako sa tabi mo ngayon. Sana’y yakap kita para mawala ang iyong pagod. Sana. Lagi na lang sana.

Ano kayang itsura mo ngayon ano? Nakaupo ka sa puting monoblock na hindi naman kumportable, pero nakatulog ka. Pagod na pagod ka nga talaga. Kagabi pa lang naman kasi sa trabaho’y nagrereklamo ka na sa email mo sa akin na antok ka na, na gusto mo nang umuwi.

Narinig kitang umungol, sabi mo’y ayaw mo nang umalis. Wag na nga siguro, matulog ka na lang mahal. Magpahinga. Baka isipin mo’y magagalit ako sayo, kasi unang beses na nangyaring makatulog ka habang kausap ako. Hindi ako galit. Masaya nga ako na kahit sobrang layo natin sa isa’t-isa, eh posible palang makatulugan mo ako. Gusto ko na tuloy na lalo kang makasama dahil alam kong mas ok na makatulog ka habang ako’y nasa tabi mo.

Tahimik na ang voice conference natin, maliban sa pasaglit-saglit na paghilik. Ang lakas mahal, hehe. Hindi na rin ako nagsasalita, hinihintay na lamang kitang maalimpungatan at sabihing lilipat ka na sa kama.

Baby? wala akong narinig na sagot. Tulog ka lang dyan mahal. Tulog ng mahimbing. =)

Mga Kahalintulad na Posts



7 Responses to “ sa iyong pagtulog ”

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Give your voice a face! This blog uses Gravatars, or thumbnail-sized pictures that's linked up with the email address you use in commenting.

Spam protection by WP Captcha-Free

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.