self-eval

self-eval

Posted almost 3 years ago buhay SATown

Alas-onse na ng umaga. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin natatapos ung Self-evaluation ko para sa trabaho. Kanina pa akong alas-otso ng umaga gumagamit nitong laptop pero dahil reyna ata ako ng procrastination eh wala pa rin akong naisusulat man lang. Ok, hindi naman totally wala, may nailagay naman akong tatlong sentences na ewan ko kung madaragdagan pa. Hay. Hindi kasi ako sanay na narerecognize ang trabaho. Basta ako nagtatrabaho, malay ko ba kung above and beyond na pala ung ginagawa ko. Hehe. Ayoko talaga nang ine-evaluate ko ang sarili ko. As in.

Noong Sept. 6 pa ang deadline nitong self-eval ko, anung petsa na ngayon, 14 na. Walong araw nang late, kaya kelangan ko nang maipasa bukas pagpasok ko. Anung magagawa ko kung isa lamang akong ordinaryong empleyado? Siguro nga’y may nagawa naman ako para sa ikabubuti ng department namin, pero hindi ko na maalala. Buti na lang at may na-train na naman akong operator, under sya nung “Qualifies as a leader, mentor and/or coach in the profession”, point na kagad un.

Maliban sa wala na akong maisip maisulat sa self-eval ko, madami ring distractions kaya di ako makapagisip. At syempre, sisisihin ko na naman ang facebook. Haha. Kasi naman eh, nasa bookmarks ko na ung site, kaya isang click na lang, ayan na, login na ako. Tas andyan pa ung TweetDeck na maya’t-maya eh tumutunog kapag may dumarating na bagong tweet. Tas may YM pa. Inisip ko na ngang i-off muna ung internet connection nitong laptop habang may ginagawa ako, para walang istorbo. Pero di ko rin nagawa. Haha.

Nanood ako ng tv kanina habang kumakain, pahinga muna, Keep on Dancing ang palabas, guest ang Whattamen – Dominic Ochoa, Marvin Agustin at Rico Yan. Bigla kong namiss si Rico Yan. Pagtapos ng show, bumalik ako sa pagiisip at pagtangkang magsulat. Wala na talaga. Kung bakit ba kasi nawala ko ung kopya ko ng Self-eval ko last year, para may guide man lang. O para ma-reword ko na lang ung nilagay ko dun.

Nagpapatugtog ako ng iPod ko nang narinig ko ang Nobody. At dahil bibong bata ako, di ko napigilang hindi magsayaw. Kelangan ko rin ng break sa pagiisip. Vinideohan ko ang sarili ko, pero napagdesisyunan ko nang hindi ipost dito dahil kahihiyan na naman. Haha. Matapos magsayaw, balik laptop ulit. Isip na naman.

Bakit ba kasi kelangan i-evaluate ang sarili? Hindi ba pupwedeng ung supervisor na lang ang mag-grade sayo? Ganun na lang dapat eh. Oh well.

Self-eval. Uulitin ko, ayoko talagang ine-evaluate ang sarili ko eh. Kaso kelangan kong matapos to ngayon, dahil dito nakasalalay ang pagtaas ng sweldo ko. At hopefully eh matapos ko na after kong gawin tong blog entry. Hehe. =)

if you could go back..

Posted almost 3 years ago blabbers, meme

turn back

Nakuha ko to sa tumblr ni Noi. Gusto ko sana syang gawin sa tumblr account ko, pero panay pictures lang ang nilalagay ko dun. Kaya naisipan kong gawin na lang dito sa kundiman. Para naman may update. =)

If I could go back 5 years, 2004 un, ano nga bang sasabihin ko sa sarili ko?

  • Wag mo nang ituloy ung pakikipagLDR. Hindi magwo-work out un eh, lolokohin ka lang at hindi sya makakapaghintay. 5 years from now, magaasawa rin sya at magkakaanak. Hindi mo deserve ang masaktan ng sobra.
  • Mahuhumaling ka sa pagiinternet. Magkakablog at magkakaroon ng mga kaibigan at kaaway dahil dito. Don’t worry, mas marami naman ang kaibigan. Wag ka lang magtitiwala agad-agad sa mga taong kakausap sayo.
  • Magkakaroon ka ng boyfriend na blogger. Maraming kikiligin sa love story nyo. Masaya ka sa kanya kahit na lagi mo rin syang aawayin. Wag kang maging pasaway dahil baka tuluyan na syang maasar sayo.
  • Kung sasagi man sa isip mo ang kagustuhan na mag-aral ulit, gawin mo ang lahat para matuloy un! Sayang ang panahon. Magiging ok ka naman sa trabaho mo, pero mag-aral ka pa rin. Di mo naman siguro gugustuhin na maging night shift buong buhay mo diba? Mag-aral ka na rin kagad magmaneho.
  • Magdiet kung ayaw mong magreklamo na tumataba ka na.
  • 5 years from now, 25 ka na. Isipin mo na kung ano ba talaga ang gusto mong mangyari sa buhay mo.

Hindi naman siguro mabibigla masyado ung past self ko sa mga sasabihin ko. Sana. Hehe. Mawiwindang lang un sigurado. Pero napagisip-isip ko, habang ginagawa ko ung list sa itaas, kung hindi mangyayari ung pinakaunang nilagay ko, hindi naman ako makakapagblog at hindi ko rin makikilala si Arvin. Hindi ako magiging ganito kasaya ngayon. Hmmm, papayuhan ko na lang siguro sya na magingat at maging handa sa pupwedeng mangyari. ^_^

Pero tingin ko, kahit na sabihan ko pa ang sarili ko ng mga advice from the future eh hindi pa rin nya ito susundin. Haha! Makulit na bata. :P

walk down the aisle

Posted almost 3 years ago Litratong Pinoy

LP logoMuntik ko nang makalimutan na Huwebes nga pala ngayon. Kaya heto ako, 30 minutes bago pumasok ng trabaho eh gumagawa ng lahok para sa LP. =)

Lakad. Para sa ating mga babae, ang kasal na ata ang pinakaimportanteng “lakad” na gagawin natin sa buhay natin. Lahat ng tao’y nakatingin sa’yo habang suot mo ang puting gown at hawak ang isang bungkos ng bulaklak. Isang mahabang daanan ang iyong daraanan at iyong makikita lahat ng mahal mo sa buhay – lahat nakanigiti at tuwang-tuwa para sa iyo. At doon sa duo, sa may altar, naghihintay sayo ang taong pinakamamahal mo na alam mong kabado rin tulad mo – kabado pero masaya.

walk down the aisle

Walk down the aisle. Naalala ko tuloy ung libro ni Nicholas Sparks na “A Walk to Remember”. =)

Ito ang aking lahok para sa ika-73 na linggo ng Litratong Pinoy na may temang Lakad. Ang litrato ay kinuhanan last year, kasal ng kapatid ko. Alam kong nakapasaya at parehong kabado sina Melo at Eunice ng araw na iyon. =) Bisitahin ang  lahok ng iba pang miyembro dito.

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.