ewan

ewan

Posted 2 years ago blabbers

Simula pa kahapon, madalas akong mairita at mabilis mawalan ng pasensya. Kahit ako’y di ko alam kung bakit. Kaya tuloy kahit si Arvin eh inaaway ko na naman. Kahit maliit na bagay lang, madali akong magtampo. Nakakaasar lang. Alam ko naman sa sarili ko na hindi dapat ganun ang maramdaman ko, pero kapag andun na ako sa sitwasyon, mas pinapairal ko ang nararamdaman ko. Hindi ako nakikinig sa sinasabi ng isip ko kung ano bang tama.

Badtrip lang.

Pano ko ba mababago itong ugali ko na ito???

Haynaku, nga pala, on the lighter note..

HBD yeye! ^^

uber thank you!

Posted 2 years ago blabbers

best birthday gift

Katulad nga ng sabi ko sa tumblr ko, yang wallet na yan ang masasabi kong BEST na birthday gift na ibinigay sa akin. Kung tutuusin nga, hindi naman yan bago’t hindi naman talaga yan iniregalo ng kung sino. Siguro’y nagtataka ka kung bakit. Heto ang kwento.

Oct. 23 ng hapon, nag-grocery kami ng pamilya ko. Dala ko ang wallet, dahil may binili akong cake na dadalhin ko sa Windows 7 Launch Party ng bossing ko, kinabukasan. Umuwi kami ng bahay at kumain. Kinausap ko si Arvin hanggang sa bago ako pumasok sa trabaho. Ang buong akala ko’y isang normal na araw lang ang araw na iyon. Pero mali ako. 15 mins. bago ako pumasok, tiningnan ko ang aking bag, wala ang wallet. Naalala ko tuloy ang pagbibirong ginawa ng kapatid ko sa akin nuong nasa grocery kami. Ipinatong ko kasi ang wallet ko dun sa cart, sabi ng kapatid ko’y pupusta daw sya, maiiwan ko ang wallet ko. Nanalo sya sa pustahan.

Pumasok pa rin ako ng trabaho dahil di naman pwedeng magpa-late. Hanggang alas-dos ng madaling-araw ay gising ang nanay at mga kapatid ko, hinahap ang pulang wallet, na andun lahat ng ID’s, credit cards at pictures ni Arvin. Andun din ung PUP School ID ko. Nakakapanlumo. Nakakapanghina. Nasa trabaho ako pero wala naman dun ang isip ko. Tinawagan ko na ang aking banko at isa-isa ko nang pina-cancel ang aking credit cards. Sampung araw daw bago ko makakuha muli ng card. Ayos nang maghintay kesa naman may makagamit pang iba.

Ang akala ko’y dun na matatapos ang lahat. Pero nagkaroon muli ng isa pang problema. Tumunog na naman ang fire alarm sa computer room. Nagpanic, napasigaw, napapasok ng wala sa oras ang supervisor ko. Kahit papano nama’y nagawa ko ang dapat kong gawin, wala talagang sunog, false alarm lang pala. Nagloko rin ung tape drive ng isang system namin. Biglang ayaw nang iluwa ung isang tape na naka-load. Problema na naman. Lahat ito’y nangyari noong Oct. 24 – isang araw bago ang birthday ko. Ito daw ang birthday gift sa akin.

Alam mo ung pakiramdam na sobrang pagod ka na, eh alas-otso pa lang ng umaga? Wala akong ibang gusto gawin nun kundi ang umuwi at matulog na lang. Baka sakaling mawala ang problema, ang pagaalala. Sinundo ako ng nanay at kapatid ko ng araw na iyon. Sinuggest ng kasama ko sa trabaho na subukan daw naming bumalik dun sa grocery store. Baka daw may nakapulot at ibinigay sa Lost and Found. Pumayag naman ang nanay ko, ano pa nga naman ang mawawala sa amin kung susubukan namin iyon.

Bumalik kami sa grocery store nang wala namang inaasahan masyado. Di ko pa rin kasi maisip na maiiwan ko nga ang wallet ko doon. Kinausap ko ang babaeng teller, dinescribe sa kanya ang wallet at kung ano ang mga laman. Umalis sya saglit, kinausap ung mga nasa loob. Bumalik syang may hawak-hawak na plastic at andun sa loob ang pulang wallet na nawala ko kahapon. Kinuha ko ang wallet, nagpasalamat ng mabilis sa babae at biglang tumalikod. Naiyak ako. Sobrang saya. Parang nawala na lahat ng problema at trauma na naramdaman ko ng araw na iyon.  Grabe, pati ata nanay ko’y naiyak sa nangyari. Grabe talaga. Sinong magaakalang makukuha kong muli ung wallet ko. Nadumihan ng kaunti ang gilid nito, pero ayos lang, remembrance naman.

Naging OK na ang buong araw ko, mula noon hanggang sa araw mismo ng birthday ko. Di na nga lang ako nakapunta sa Launch Party ng bossing ko dahil sa pagod at wala pa akong tulog. Gabi ng Oct. 24, kumain kaming pamilya sa labas at nagenjoy. Wala na akong aalalahanin pa. =)

Sobrang memorable ng birthday ko ngayong taon. Gusto ko lang magpasalamat kay Papa God na alam kong sinadya nyang mangyari un. Masyado daw kasi akong magastos ng mga nakaraang araw. Magtanda na daw ako. At sayo, na nakapulot ng wallet ko, super thank you! SOBRA!

Gusto kong magthank you sa pamilya ko. Sa tatay ko na kahit nasa Pilipinas ngayon eh nabati pa rin naman ako. Magdadala daw sya ng ensaymada na pasalubong. Sa nanay at mga kapatid ko na talagang tumulong sa akin para mahanap ung wallet. Grabe, sobrang salamat talaga! =)

Thank you rin sayo baby ko. =) Kasi ikaw ung kausap ko habang nangyayari ang lahat ng ito. ^_^ Alam ko namang andyan ka lang parati para sa akin, salamat sa birthday post ha. Love you!

Gusto ko ring magthank you sa LAHAT ng bumati sa akin sa facebook, twitter, multiply at friendster. Sa mga kaibigan kong nagtext, nagmessage sa YM at tumawag. Sobrang salamat talaga! Pinasaya nyo na naman ang birthday ko. ^^, Uber thank you talaga! =)

silver

Silver.

Posted 2 years ago Uncategorized

Ang kinang mo’y mas pinakikintab pa ng bawat pagsubok. Tibay mo’y pinatatag pa sa kada paghamon. At sa paglipas ng panahon, ang halaga mo’y higit na nadaragdagan pa ng ilang patong.

Grabe, parang ang tanda mo na talaga, hehehe. Happy silver anniversary ng iyong kaarawan mahal:P 25 years of existence… Grabe, kahit kelan e hindi kita malalamangan dun. Paniguradong asar ka na sa post ko na ito, hehe. Hayaan mo, minsan ka lang naman magiging 25 e, at siguro e nahulaan mo nang balak kong 25 times na banggitin yung 25 sa post na ito, haha. Tama, 25 times:D

Pero kahit sa 25 years na yun e halos 4 na taon palang sa dalawampu’t lima ng yun kita nakikilala. Di pa ata sapat yun, kaya asahan mong andito lang ako sa susunod at susunod mo pang mga kaarawan, after 25. E kitang hindi pa nga kita nakakasama masyado. Nung last year nga, wala pang 25 days kang andito. ‘Tas hindi pa kita nakasama araw-araw. Bale, next year, makakasama ulet kita:D

Masaya din naman nagstart ang bday mo e, kahit na puro kamalasan yata ang nangyari sa iyo this week. Sa last post mo nga e ikunuwento mo pa kung paanong wala na palang pera sa bank account mo ‘tas hinid mo alam. Ayun tuloy, sa kada gamit mo nung account o e may charge kagad na 25 dollars. Ang bigat nun. ‘Tas naiwala mo pa yung wallet mo kahapon. Nagloko ang tape drive niyo sa trabaho kanina, at di pa nakuntento dun… Nag-fire alarm din kahit wala naman sunog. Buti na lang kamo at nakita pala ng staff nung grocery kung saan mo naiwanan yung wallet mokaya naibalik ulit sa iyo.

Next time kasi, iingatan mo na yan kitang andyan lahat ng pictures ko e, hehehe.

Love you baby ko:) Sensya at wala akong naiprepare na kanta, o sayaw, o drama, o stunt. Next birthday mo na lang, hehehe. Marami pa naman yan at tinitiyak ko namang kasama mo pa rin ako sa mga next times.

nakakapanghina

nakakapanghina

Posted 2 years ago blabbers

Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit nga ba kailangan ko pa itong i-blog. Bakit kailangang i-share sa lahat ng tao ang katange-an na nagawa ko. Siguro eh para wag nyo akong tularan, para matuto kayo sa kamaliang ginawa ko.

-$84.10. Ngayon ko lang nalaman na posible palang lumabas yan sa bank account. Nanlaki ung mata ko sa nakita ko eh. Posible pala na maging negative ang pera mo sa banko. Ibig sabihin lang nun, wala nang lamang pera ung account mo, eh tuloy ka pa rin sa paggastos. At ganun nga ang nangyari sa akin. Di ko alam kung maiiyak ako o babatukan ko ang sarili ko dahil sa nangyari. Well, in the end, naluha ako’t binatukan ng kapatid ko. Hehe.

Ngayon ko lang naramdaman un, ung tipong gusto kong ibalik ung mga nakalipas na araw – eh di sana, di ako mamomoroblema ngayon. Kung naging matalino lang ako’t nagisip ako ng maigi, eh di walang akong iniisip na consequence ngayon. Wala akong lusot eh, di dahilan na birthday ko na, ilang araw mula ngayon, talagang kelangan kong maranasan ngayon. Hay, eye-opener, ok na rin siguro.

Kasalanan ko rin naman. Naging pabaya ako, masyadong nagtiwala na ayos lang ang lahat, walang dapat ipag-alala. Hindi inisip na pu-pwede ngang mangyari un. Haha. Natatawa na lang ako. Medyo kalmado na rin kasi ako, kumpara kaninang tanghali. Nakatulog na rin ako ng maayos na di ko inaasahan. Akala ko’y mahihirapan akong makatulog dala ng pag-aalala. Hay, malaking tulong na nakausap ko ang nanay ko. Kahit sya’y tinawanan lang ako’t pinagsabihan na wag nang uulitin ang nagawa. Nakausap ko rin ang bestfriend ko na sinabing “Ok lang yan, charge to experience na lang”. Kanina, nakausap ko na rin si Arvin, wag na nga lang daw uulitin. Hay, maswerte ako sa mga taong nakapaligid sa akin. Sobra. =)

In the end, matapos magreklamo at sumakit ang ulo kakaisip kung paano at bakit nangyari un, mababawasan kaagad ng $84 ung perang papasok sa Biyernes sa account ko. Buti na lang sahod na. Buti na lang may overtime ako ngayong linggo. Buti na lang may trabaho pa ako. Hehe.

Another lesson learned, a few days bago ako tumanda. Happy birthday sa akin. Di na talaga ako magiging magastos. PRAMIS! Medyo masakit sa puso ang $25 na charge sa bawat transaction eh. Hehe.

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.