another-birthday

another birthday.

Add comments October 9, 2009 » 161 days ago
emo daw

Hangga’t maaari, kapag malungkot ako, hindi ako nagbubukas ng blog. Ayoko na kasing magshare ng kadramahan ko sa buhay. Nabababawan na ako. Lalo na dito sa kundiman. Dapat kakesohan at pagmamahal ang kwento lagi dito. Hehe. Pero iba ngayon, nakakamiss ding magdrama. Iba ngayon, dahil ilang araw na lang…

Ilang araw na lang, birthday ko na naman. 25 na ako this year. Pero di ako masyadong excited. Di katulad nung mga huling birthdays ko na, October 1 pa lang eh nagco-countdown na ako. Ngayon, parang wala lang, di ko feel.

Gusto kong may gawin sa birthday ko, pero di ko alam kung ano. Pinlano ko ngang magcelebrate ng birthday sa Pinas. Gusto kong umuwi para magparty dun. Sa Jollibee ko gusto. Never kasi akong nagkaroon ng party na ganun eh, gusto ko lang maexperience. :) Kaso di ako pinayagan. Kakauwi ko lang daw last year, masyado pang maaga kung uuwi na naman ngayong taon.

Gusto ko ring makasama ung mga kaibigan ko. Sobrang miss ko na sila. Lahat sila – elem, HS, college at blogger friends. Gusto ko silang makasama sa espesyal na araw ko. Wala kasi akong kaibigan dito. Ung as in ka-close ko. Nakakalungkot lang. Hehe. Tinanong ako ng nanay ko kung gusto ko daw bang maghanda sa birthday ko. Sabi ko, di na lang. Di rin naman makakapunta ung mga importanteng tao sa buhay ko. Walang saysay. Baka kaming pamilya na lang ang lumabas nun. :)

Regalo. Ni hindi ko alam kung anung gusto kong regalo. Wala naman na kasi akong mahihiling pa. Maliban sa DSLR na hindi naman masyadong kailangan, eh wala na akong maisip na materyal na bagay na gusto ko. Masaya na ako na makausap ko si Arvin ng araw na un at batiin ako ng mga kaibigan ko.

Hay. Nalungkot naman ako lalo habang ginagawa ko tong post. Lalo lang akong nahomesick. Grabe, nakakadepress. Di na ako sanay magsulat ng ganito. Hehe.

Ilang araw na lang birthday ko na. Hmm, ilang araw pa naman un. Sana magbago ang ihip ng hangin. Maging masaya lang ako, un na lang ung birthday gift na gusto ko.

Mga Kahalintulad na Posts



3 Responses to “ another birthday. ”

  • Kimeh says:

    Ay. Kailan ba bday mo Ate Karmi? :D
    Nakoooo, sana magbago nga ihip ng hangin. :|
    Tuwing bday ko na lang lagi akong naiiyak. :))

  • cindyrella says:

    naku pareho palatayo no? lapit na din bday ko, pero kinailangan kasi bumalik sa pinas ni sm kaya ayun akala ko super saya na ng bday ko hindi pala, anyways, wala naman tayung magagwa di ba? hintayin na lang din nating magbago ang ihip ng hangin… *shrug!!

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Give your voice a face! This blog uses Gravatars, or thumbnail-sized pictures that's linked up with the email address you use in commenting.

Spam protection by WP Captcha-Free

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.