25

Posted almost 3 years ago blabbers

Masakit pa rin ang ulo ko ngayon, kasi naman, halos alas-kwatro na ng madaling-araw ako nakatulog. Kagigising ko lang, napilitang bumangon dahil pinagpapawisan na ako. Ang taas kasi ng sikat ng araw, naka-kumot pa rin. Kamusta naman un. Kaaalis lang ng nanay ko, papasok na sa trabaho, kaya naman home alone na naman ako. Ang saya. Wala akong magawa, kaya heto naisipan kong gumawa ng entry habang humihigop ng kape. Ala-una ng hapon, nagkakape.

October 20 na. Limang araw na lang, birthday ko na naman. Isang taon na naman ang dadagdag sa aking edad. Bente-singko. Ang tanda ko na. Pansin ko lang, ilang tao na rin ang nagtatanong sa akin, kung kelan daw ba ako ikakasal. Ganun ba talaga un? Kapag mid-20′s na eh, kailangan nang ikasal? Kapag ba hindi ako kinasal ngayong taon o next year eh mae-expire na ako? Hindi naman siguro. Wag naman sana. Hehe.

Speaking of kasal, madami-dami na rin akong kaibigan ang kinakasal at nagkaka-anak. I’m happy for them, I really am. Nainggit ba ako? Oo minsan. Kasi, gusto ko rin namang ikasal. Gusto ko ring maranasang magsuot ng wedding gown at ikasal sa simbahan kung saan andun lahat ng taong mahal ko. Gusto kong makasama ung taong mahal ko habambuhay. Naiinggit man ako, di naman ako pressured na ikasal. Well, kung totoong nga na end of the world na sa 2012, eh un, saka siguro ako magmamadaling magpakasal. Hehe. Pero as of now, wala naman talagang pressure.

Goodluck, early birthday post sana ito, pero parang naging labasan na naman ng frustrations ko sa buhay. Hehe. Alam ko sa sarili ko na hindi pa ako handang magkaroon ng sarili kong pamilya. Darating din naman yung time na un alam ko. Di rin naman ako nagmamadali. Enjoy lang, yan lagi ung sinasabi (ng ex ko) sa akin. Wag masyadong mag-alala. Ang importante, masaya naman ako, at di ko man nakakasama ung isang tao na nagpapasaya sa akin, eh ok na rin. Basta alam kong andyan lang sya. Maiintay naman daw nya ako kahit 30 years old na ako eh:P Hehe.

Happy birthday sa akin. ^^, Sobrang agang birthday post ito, di ko kasi alam kung may time pa akong gumawa ng entry sa mga susunod na araw.

Wish ko sa birthday ko? World Peace. At saka isang Nikon D40, plane ticket pauwi ng Pinas at iTunes card (kahit na magkano). ^_^

PS.
Kung sa 30th birthday ko (which is 5 years from now), eh gagawa ako ng birthday post, sisiguraduhin ko nang may ad dun na naghahanap ng lalakeng mapapangasawa. LOL.

facebook <3

Posted almost 3 years ago inlove

Paggising ko kaninang umaga, may twitter update si Arvin. Isang picture. At nang binuksan ko eh, ito ang nakita ko.

facebook love

Kahit man lang sa facebook eh magkalapit tayo. =) hehe.

hiling

hiling

Posted almost 3 years ago emo daw

Makulimlim at malungkot ang langit sa labas. Wala akong magawa, nakatitig lamang dito sa nakabukas na laptop nang maisipan kong magpatugtog. Silent Sanctuary, sakto sa panahon. Sakto sa mood. Hiling. Di ko mapigilang hindi magdrama, hindi ko mapigilang maisip ka.

Miss na kita. Sobra. Alam mo un, di na sapat ang usap lang sa telepono, ang titigan sa webcam. Ang hirap. Sobrang hirap noh? Pero kinakaya ko kasi ikaw na ang gusto ko. Nanood ako kanina ng My Big Love. Sam at Toni. Crush mo si Toni diba? Kaya naalala na naman kita. =) At katulad nga ng sinabi ni Sam kay Toni, ikaw ang nagpapasaya sa akin. Ikaw talaga eh. Sorry kung parang lagi na lang kitang inaaway. Konting asar mo lang, napipikon na ako. Hehe. Sorry. Alam mo namang gusto ko lang na lambingin mo ako. Onting suyo lang, ok na ako.

Malapit nang magMarch. Excited na ako. Sobra! Matapos ang isang taon, magkikita na naman tayo. Mayayakap na naman kita. Maririnig ng personal ang lahat ng sasabihin mo. Mahahalikan. Basta makakasama. Gusto ko na ulit maranasan un mahal. Sabi mo nga, balik tayo sa Stage 1 ng relationship. Parang bagong magjowa na naman. Hehe. Sa tuwing naiisip ko un, nawawala ang lungkot at pagkamiss ko sayo. Nawawala kahit konti.

Di natin parehong alam kung ano nga ba ang pwedeng mangyari sa hinaharap. Ito na lang ata lagi ang naiisip ko – kung ano nga kayang mangyayari pagkatapos nating magkita sa March. Tayo pa rin kaya? Kayanin kaya natin ang di na naman magkikita ng isa pang taon? Masyado akong nagwo-worry alam ko. Pasensya. Pero kasi, gusto na talaga kitang makasama eh. As in. Nasasayangan na rin ako sa panahong di kita kasama. Mas madami pa tayong malalaman sa ugali ng isa’t-isa. Mas madaming mapupuntahan. Mas madaming pagaawayan.

Pero alam kong mali ang magworry masyado. Dahil nadadamay pati ang ngayon. Sa sobrang pagaalala, di ko na naaapreciate ung kung anung meron tayo. Ung bawat usap natin sa YM, bawat text. Mali pala un. Maling-mali.

Ikaw na ang hiling ko. Alam kong alam mo naman yan. Gusto ko lang paulit-ulit na sabihin. Sana di ka magsawang suyuin ako. Sana di ka magsawa sa atin. I love you. =)

Pwede ka na ulit tumawag.

Posted almost 3 years ago BridgeTheGap

[UPDATE] LDR’s Middle Name is Technology (September 11, 2010)

September last year nang ipost ko ang mga pwedeng gamitin para makatawag sa US ng libre mula sa computer, at matagal na ang isang taon. Wala nang EarthCaller, ang number 1 option.

Jaduka Labs has been discontinued.

Effective July 2, 2009, Jaduka Labs has been discontinued. Jaduka Labs was launched in 2008 and tens of thousands of Internet users joined with us to experience the effectiveness of our API for implementing new voice and messaging services.

We offered a variety of free applications built on the Jaduka API, including dukaDIAL, dukaBAR and earthCALLER that demonstrated easy-to-use and efficient ways of enhancing personal and business communications. As a result, Jaduka was able to refine the performance of our API and put into production a wide range of business services now available through Jaduka partners and resellers [...]

We thank you for your participation.

Kaya lang naman naging libre ang EarthCaller ay dahil under development pa ang kanilang software. Kaya ngayon ay ang pinakamagandang gamitin para makatawag sa US ay ang bueno.com! Na bago ang interface dahil dati’y ang laman lang ng home page nila ay isang text box kung saan ilalagay mo ang phone number at isang call button. Ngayon ay isa na siyang social network! Na parang friendster o facebook. Ewan ko lang kung hindi sila maubusan ng phone numbers na pinamimigay.

Bueno.com

Narito ang mga features na inooffer ng bueno: US CALLS FREE, VIDEO CALLS FREE, VIDEOMAIL FREE, VOICE POST FREE, PHOTO ALBUM FREE, ALL IN ONE CHAT FREE, TEXT MESSAGING FREE, VOICEMAIL FREE, BLOGS FREE, MUSIC SEARCH FREE, FILE TRANSFER FREE, SPAM PROTECTION FREE[1]. O di ba, free lahat, hehehe. Pero sa mga iyan ay yung libreng tawag lang naman ang nagagamit ko pa lang. Pero may catch, isang minuto lang ang haba ng mga tawag sa US.

Pero ganun din naman yung Gtalk2VoIP.com. At ok lang naman yun dahil unlimited ang incoming calls. Bale yung isang minuto na binibigay sa iyo  ay para sabihin mo sa kakausapin mo tawagan ka niya. Kaya mas maganda ay isend mo na sa kaniya in advanced yung bueno.com number mo na ang kailangan mo lang ay isang email address para makapag-signup.

Di ko na masyado natignan pa kung may mga bagong options para makatawag abroad dahil ok naman na yung bueno.com:) Pero yun sa isang option na talkster.com ay isuggest mo pa rin sa kanila na idagdag ang Pilipinas sa mga bansang sinusupport ng service nila. Kung meron ka pang alam na pwedeng gamitin ay icomment mo na lang sa ibaba. Idadagdag ko na lang sa update ko next year, haha.

Ang Bridge the Gap series ay pagtatalakay sa mga paraang ginagawa namin ni karmi para mapunan ang layo sa pagitan naming dalawa. Sundan ang serye na ito upang makakuha ng mga tips at ideya sa mga pwedeng gawin upang mabasawasan ang hirap ng pagkakawalay sa minamahal.

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.