Nananabik na makapiling ka

Posted 2 years ago LSS

Audio clip: Adobe Flash Player (version 9 or above) is required to play this audio clip. Download the latest version here. You also need to have JavaScript enabled in your browser.

Minsan, nahuhuli ko ang sariling nakangiti
Malayo ang tingin
Malalim ang isip
Kailangang magkita muli

Muli kong pinakinggan ang kantang sinend mo sa akin. Nai-save ko na sa iPod ko, at paulit-ulit kong pinapatugtog. Pang-apat na beses na ata habang sinusulat ko ang entry ko ngayon. Di naman halatang gustong-gusto ko ung kanta mo ano? Sabi ko nga sayo diba, pwede mo nang palitan si Yael ng Spongecola. Hehe.

Namiss ko talaga ung mga pagkanta mo dati. Mga ilang kanta na rin ang nadedicate mo sa akin. At masasabi kong isa ito sa magiging paborito ko. Una pa rin syempre ung Tuyo nang Damdamin. Hehe. Kapag kasi pinapakinggan ko ang kanta, parang andito ka lang sa tabi ko, parang ang lapit mo lang. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil nakikita ko ang iyong mukha habang kinakanta ito sa harap ko.

Nasaan ka na?
Malayo ka pa ba?
Kay tagal ng iyong pagbabalik

Lagpas isang taon na rin tayong di nagkikita. Ang tagal na ano? Kaya naman pareho tayong kabado at excited sa muli nating pagkikita. Ilang buwan na lang ang bibilangin, magkakasama na naman tayo kahit saglit lang. Isang buwan. Sa loob ng isang buwan, pilit na pupunan natin ng masasayang ala-ala para makabawi sa panahong di tayo magkasama. Excited na ako. Sobra.

Inaaliw ang sarili sa musika
Nananabik ang makapiling ka

Habang di pa kita nakakasama, papakinggan ko na lamang muna ang iyong kanta. Hahayaang yakapin ako ng iyong tinig, at sasabayan pa kita. Alam kong darating din ang panahon na di na natin kailangang maghintay ng matagal, at makakapiling din kita. =)

8 Responses to “ Nananabik na makapiling ka ”

  • dong ho said,

    sweet sweet niyo naman. hehehe…

  • komski said,

    Kanta ka rin, hehehe:D

  • rn said,

    one year apart feels like forever when you’re in luuuuuuuuurrrrve! hehe

  • cindyrella said,

    shieet!! *sorry for the word ah pero eto talaga ang nafe- feel ko ngayun* nakakakilig kayung dalawa ah. naaalala ko ang excitement pag magkikita na uli kami ni sm! alam mo yun, kabado tapos nanlalamig, grabe nakakaloka yung ganoong feeling. tapos sa una medyo ilang pa, parang virgin pero maya maya alam mo yun? maipapakita na yung tunay na feeling! grabe! excited ako for both of you, hehehe! kelan na ba? ^__^ basta update lang kayu sa blog niyo ah. teka uuwi ka ba karmi? o si komski ang pupunta sayu?

    • karmi said,

      ako ang uuwi sa March! :D

      hay, sinabi mo pa! sobrang excited na din ako.. medyo kinakabahan din, kasi nga after 1 year saka pa lang kami ulit magkikita.. hehe..

      mukhang mapapadalas nga ang pagpopost namin nun… hehehe ^^

  • claire said,

    wow, malapit na.. excited ako para sa inyo.. kilig to the bones!

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Give your voice a face! This blog uses Gravatars, or thumbnail-sized pictures that's linked up with the email address you use in commenting.

Spam protection by WP Captcha-Free

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.