Bakasyon ngayon dito sa San Antonio ang pinsan ko galing Pinas. Kaya naman halos isang linggo akong nag-off sa trabaho para lang makasama at maipasyal sya. Hindi naman kami madalas lumabas dito – mall, sine at kain sa labas lang ang ginagawa namin ng mga kapatid ko. Kaya naman, nagkaroon na kami ng chance para malibot ang San Antonio. In short, naging turista na rin kami.
Sa loob ng isang linggo, nakapagmall na kami, nakakain sa mga restaurant at nakapagSea World pa. Isang linggo pa lang un, tumaba na naman ako kakakain. Hehe. At kung friend kita sa facebook, malamang sa malamang na-flood na ang iyong Live Feed ng pictures mula sa mga gala namin. =)
May narealize lang ako sa stay ng pinsan ko dito. Anakng. Bumabalik ako sa pagkabata! Haha. Ewan ko ba, mas naa-appreciate ko ngayon ung mga nakikita ko. O siguro dahil nga di rin kasi ako lumalabas masyado ng bahay kaya bago para sa akin lahat ng nakikita ko. Buong linggo din kasi akong ilang oras lang nagkakapag-online, kumpara noon na halos buong araw akong nakatitig lang sa harap ng laptop ko. Ang saya rin palang lumabas ng bahay paminsan-minsan. =) Hehe.
Picture kasama ang paborito kong cartoon character mula pagkabata. 4D Experience ng The Polar Express. Live Christmas Show ng Sesame Street. Kumain ng cotton candy at Funnel cake. Pinanood magbackflip si Shamu. Hay, kung bata lang siguro ako ulit, talagang pupunta ako sa harap ng stage para lang makita up-close si Big Bird. Hindi ako sumakay ng rollercoaster dahil takot ako. Siguro next times susubukan ko naman un.
Medyo naluha ako dun sa The Polar Express. Napaisip kasi tuloy ako. Bakit nga ba kailangang mawala ang pagkainosente natin habang tayo’y tumatanda? Hindi na tayo naniniwala kay Santa, sa miracles, at hindi na tayo mababaw na madaling mapangiti at maka-appreciate ng mga bagay. Kaya siguro nagkaroon ng theme parks, para kahit matatanda na tayo, may lugar pa rin para maibalik natin ung pagkaisip-bata natin. =)
At the end of the day, masaya naman. Un nga lang sumakit ang paa ko. Hehe.















Buti na lang pala pumunta dyan si Ate Jigi niyo, at least nakapagtour kayo. :)
i still do believe in miracles and i will always be.
masarap maging bata. kahit isip bata. carry lang tol. hehe. jan tayo magkakasundo. :)
im sure..super nag enjoy ang pinsan mo sa pamamasyal na ginawa nyo.
tama lang na nag day off..puro ka nalang work e..nagkakasakit ka tuloy=D
ang cute naman nyang hello kitty na yan.
hmm.. pwede parin tayong maging bata, sa iba’t iabang mga bagay. :)
nice to hear na nakapag-relax ka at nag-enjoy mamasyal! yun nga lang masakit ang paa mo, pero busog naman ang tiyan at mata. solve na yun.
oo nga, kasalanan ng discovery channel yan. =)
pero yung pagkabata hindi mawawala, hindi dapat. carry on lang noh, hehehe. long time!
Nakita ko nga yung mga pictures na nilagay you. Ang saya naman nun, akalain m0ng un taga jan ka na,pero parang blik turista ka.Hehe.. Sana ay nagenj0y kayoNg magpinsan.
pwede magtanong bakit di ko maaccess blog ni vani? =(
busy si shobz eh. dont know hum to ask. ty!
Hmmm, chineck ko nga. hindi ako sure kung bakit may 403 Forbidden error (password protected page). Yung domain e sa Jan 10 next year pa mag-eexpire. Yung pwedeng gawin e maglogin dun sa web host para icheck kung ok yung mga files. Yun lang, ewan kung anung web host yung ginamit ni vanny.
kamusta na nga pala si vanny?
Sae! i really dont know what happened pero ok na ung blog ngayon.. =) buti na lang naitago ko ung username & pass nung cpanel nung blog ni Vanny.. hehe.. =) so i just upgraded her WordPress, and it worked..
tc! and pakikumusta na lang ako kina Shobs and Vanny.. =)