
I saved all my movie tickets this year. (I am so proud of myself).
(in no particular order) G.I. Joe, (500) Days of Summer, Yes Man, Ice Age 3, Transformers 2, Race to Witch Mountain, Cloudy with a Chance of Meatballs, Street Fighter, X-Men Origins: Wolverine, The Time Traveler’s Wife, Monsters vs. Aliens, The Twilight Saga: New Moon, Night at the Museum 2, Avatar, UP.
16 movies.
4 movies seen on 3D.
One movie seen twice.
2 movies based off a book, and I thought the book was better.
2 movies that I really loved – Up and (500) Days of Summer.
First movie I saw – Yes Man! (Jan. 2, 2009).
Last movie – Avatar (3 days ago).
A couple of movies, made me cry.
2009 was a good year for movies. And I’m excited for 2010! IronMan 2! ^^ wooot!
Happy New Year!! =)

Vanny,
Sino ba naman ang makakalimot sa naging regalo mo sa akin nung isang taon? Nakatanggap ako ng package na hindi ko naman kilala kung kanino galing. Ang buong akala ko’y bomba kaya hindi ko kaagad binuksan. Nung nabuksan ko naman, sina Jollibee, Naruto at Hello Kitty ang bumungad sa akin. Nasurprise mo ko ganda. Sobra! =)
Ngayon, birthday mo na. Happy Birthday Vanny! At hayan, binabati ka nina Jollibee at Naruto. Miss ka na rin kasi nila. Pero syempre, mas miss kita! Kelan nga ba ung huling usap natin? Hmm, March this year. Ang tagal na sissy, sobrang nagpapamiss ka! Dumaan na rin ang birthday ko na hindi mo ako nababati, Halloween, at Pasko. Nasaan ka na ba kasi? Masyado kang nagtatago. Sana naman ngayong birthday mo eh makausap kita diba? Di ko pa rin pala alam ung address mo, di tuloy ako makapagpadala ng regalo sayo.
I love you sissy. Sana kung nasaan ka man ngayon, eh maging masaya ka. Because you deserve to be. Happy Birthday ulit. Sana makausap na kita. =) I miss you!
Pakita ka sa akin sa March ha. Uuwi ako. Sana magkita tayo.
- Mimay
Sa wakas nakapaglaro na rin ako ng Counter Strike.

Meet Arvin. =)
Matapos ang isang oras na paglalaro, dalawang head shot kills, at di mabilang na pagkamatay ko, i mean ng character ko, hanggang ngayon eh mabilis pa rin ang tibok ng puso ko. O.o Grabe lang, magugulatin na nga ako noon pa, parang nadagdagan pa ngayon. Hehe.. Hindi ko alam kung bakit ngayon ko lang nasubukan maglaro ng Counter eh kitang sobrang adik noon ang ex ko (nung college). Well, paano ko nga naman magugustuhang laruin ang game na ito eh ito nga ung dahilan ng break up namin. LOL.
At ngayon, salamat kay Arvin, magaling na akong pumatay, i mean tsumambang makapatay. Onting practice pa. :) Hehe.
Ilang araw na lang, Pasko na naman. Malamig na ang simoy ng hangin, maraming tao ang nasa mall, pagandahan na ng mga palamuti sa bahay at magtatabaan na naman ang mga tao dahil sa kaliwa’t kanang mga Christmas Party. Ramdam na talaga ang kapaskuhan saan man ako mapunta. At kahit na andito ang pamilya ko sa Amerika, hindi pa rin mawawala ang Paskong Pinoy.
Aminado akong habang ginagawa ko ang post na ito ay kinakanta ko ung Christmas theme ng ABS-CBN. Duet pa kami ni Arvin. Hehe. Ewan ko ba, sobrang gusto ko ung kantang un, at noong unang beses ko itong napakinggan at napanood ang music video eh nangilid ata ang luha ko sa aking mata. Naging emotional. :P Siguro’y dala na rin ng pagkamiss ko sa mga kaibigan at kamag-anak ko na di ko nakakasama kapag Pasko. Masasabi ko kasing iba pa rin talaga ang pasko sa Pilipinas. Mas masaya. Mas festive. Hay, sana nga’y pwede akong umuwi sa susunod na Pasko.

Sana’y ngayong darating na kapaskuhan, kahit na alam kong lahat tayo’y busy sa pagbabalot ng mga regalo’t abala sa paghahanda para sa Noche Buena, sana’y di natin makalimutan kung sino talaga ang Star ng ating Pasko.. ^^
Merry Christmas po sa inyo mga ka-LP! =)
Ito ang aking lahok para sa ika-84 linggo ng Litratong Pinoy na may temang Paskong Pinoy. Regalo ang parol ng pinsan ko na bumisita dito sa amin noon isang buwan. Bisitahin ang lahok ng iba pang miyembro dito.