December 3 na, pangatlong araw ng huling buwan ng taon. Ilang araw na lang matatapos na ang 2009, ilang araw na lang, mauubos na din ang mga pahinang aking sinusulatan.
Taon-taon, mula noong ako’y High School, araw-araw walang palya, aking sinusulatan ang diary na syang nagsisilbing taguan ng mga sikreto’t kwento. Hindi pwedeng basahin nino man, maliban na lamang kung pahihintulutan, dito’y aking inililipat sa papel ang mga importanteng pangyayari na naganap bawat araw, buong taon. Bawat emosyon, mga maliliit na detalyeng maaaring balik-balikan sa tuwing babasahin ang mga isinulat dito.
Sa nalalapit na pagtatapos ng 2009, dahil malapit nang mapuno ang bawat pahina, ito’y nagsisilbing hudyat upang bumili ng panibagong diary. Diary na pupunuing muli ng mga ala-ala’t kwento ng darating na taon.
Ito ang aking lahok para sa ika-82 linggo ng Litratong Pinoy na may temang Hudyat. Ang litrato ay kuha habang ako’y nasa trabaho. Nabili ko na ang diary na susulatan ko para sa susunod na taon. Bisitahin ang lahok ng iba pang miyembro dito.














pareho tayo, love ko ang mag-diary or planner. hehe. at ang sarap ng feeling pag kailangan mo na bumili ng bago, tapos susulatan mo ulit =)
Baliktad tayo, wala akong diary, hehehe, secreto ko, ako lang nakakaalam. Pero, pwede ang daily or weekly planner.
Happy LP!
Mula nang matuto akong mag-blog ay di na rin ako nakagamit ng diary. Kadalasan, ang mga regalong diary planner sa akin ay nagagamit ko na lang na sulatan ng kung anu-ano.
Maligayang Hwebes! Sana’y mabisita mo rin ang aking lahok. :)
galing naman at nakakapagsulat ka ng diary. meron din ako nyan dati pero hindi ko din nasundan. may planner din ako sa office pero props lang hahaha. meron na din ako ng sa starbucks at hopefully mapuno ko cya ng laman.
happy lp
mahilig din ako dyan pero ngayon di na masyado… ang anak ko na ang mahilig dyan… Ako kasi sa phone ko na nilalagay
Heto ang aking lahok
Naku ang tiyaga! Wala ako nun! :D Kahit nga blog hindi regular hehe. :D Happy LP!
el diario de karmi hehe
nakakamiss magdiary. :)
may ganyan din ako kaso :( di ko nagagamit kaya ayun tapos na ang taon, parang bago (new) kasi kaunti lang ang sulat
sana maibigan nyo rin ang aking lahok
magandang araw ka-litratista :)
Salamat sa pagbisita :)