LP: Star ng Pasko

Posted 2 years ago Litratong Pinoy

LP logoIlang araw na lang, Pasko na naman. Malamig na ang simoy ng hangin, maraming tao ang nasa mall, pagandahan na ng mga palamuti sa bahay at magtatabaan na naman ang mga tao dahil sa kaliwa’t kanang mga Christmas Party. Ramdam na talaga ang kapaskuhan saan man ako mapunta. At kahit na andito ang pamilya ko sa Amerika, hindi pa rin mawawala ang Paskong Pinoy.

Aminado akong habang ginagawa ko ang post na ito ay kinakanta ko ung Christmas theme ng ABS-CBN. Duet pa kami ni Arvin. Hehe. Ewan ko ba, sobrang gusto ko ung kantang un, at noong unang beses ko itong napakinggan at napanood ang music video eh nangilid ata ang luha ko sa aking mata. Naging emotional. :P Siguro’y dala na rin ng pagkamiss ko sa mga kaibigan at kamag-anak ko na di ko nakakasama kapag Pasko. Masasabi ko kasing iba pa rin talaga ang pasko sa Pilipinas. Mas masaya. Mas festive. Hay, sana nga’y pwede akong umuwi sa susunod na Pasko.

Star ng Pasko

Sana’y ngayong darating na kapaskuhan, kahit na alam kong lahat tayo’y busy sa pagbabalot ng mga regalo’t abala sa paghahanda para sa Noche Buena, sana’y di natin makalimutan kung sino talaga ang Star ng ating Pasko.. ^^

Merry Christmas po sa inyo mga ka-LP! =)

Ito ang aking lahok para sa ika-84 linggo ng Litratong Pinoy na may temang Paskong Pinoy. Regalo ang parol ng pinsan ko na bumisita dito sa amin noon isang buwan. Bisitahin ang lahok ng iba pang miyembro dito.

12 Responses to “ LP: Star ng Pasko ”

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Give your voice a face! This blog uses Gravatars, or thumbnail-sized pictures that's linked up with the email address you use in commenting.

Spam protection by WP Captcha-Free

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.