May gusto ka bang itanong sa akin, o kaya’y kay Arvin pero ayaw mong malaman namin kung sino ka? Dahil sa formspring.me, posible na yan!
Carme – formspring.me/karmi
Arvin - formspring.me/rvn
Sana nga may magtanong at sana may maisagot kami. Hehe.
Ngayon lang siguro ako nakaramdaman ng kaba. Well, ngayon na lang ulit.
Tumawag ang aming director, kakapasok ko pa lang sa shift ko dito sa trabaho. May Code Orange daw – Hazardous agent or chemical, biological, radiological, nuclear or explosive incident. Masyadong broad ang scope ng code na yan, basta nang makita ko ang salitang “hazardous” eh alam kong hindi na maganda. Sabi ng director namin, i-page daw ung mga supervisor, FYI page, na ginawa naman ng isa kong kasama. So ok na, akala ko’y dun na natapos un.
Magisa na lang ako dito sa trabaho, nagring na naman ang telepono, ung director ulit namin. Ang sabi nya’y i-page daw ung supervisor (na papasok ngayon) na pumasok ng mas maaga kesa sa schedule. Sabi pa nya’y papunta na rin sya ng ospital at ie-explain na lang nya kung anung nangyayari pagdating nya dito. Binaba ko ang teleponong hindi ko alam kung anung iisipin. Pi-nage ko ang aking supervisor at tumunganga.
Eh anung gagawin mo daw?
Ewan, maghintay?
Tinanong sa akin ni Arvin yan. Ano nga bang gagawin ko habang hinihintay kong dumating ang mga tao. Kinakabahan ako. Sana nama’y hindi masyadong seryoso ung nangyayari, pero kasi papasok ung director namin eh 1:03am na. Iba ito. Hay. Hindi ko mapigilang isipin na ito na ba un? Ganito na lang ba matatapos ang buhay ko? Sana nama’y hindi.
Ilang minuto na lang, magkakaroon na ako ng kasama dito. Sa wakas. Hindi na ako kakabahan, alam ko na kung anung dapat gawin.
At sana hindi pa ito ang last blog entry ko.
8FY64CTVWC8A
I mean, sa amin ni Arvin. ^^ hehe.
Dalawang taon na itong Kundiman, pero bakit ngayon ko lang naisipang i-claim? Alam ko na-claim na itong blog ni Arvin eh, so ako eh ngayon pa lang. Sobrang walang magawa, sobrang bored. Hehe. Ginawan ko rin ng Technorati Claim Post ang tumblr account ko – http://ohmybb.tumblr.com na sana eh ma-claim na nga.
Well, ayan, di ko na lang buburahin tong entry. At sana eh magwork ito. Para masabi kong akin din itong kundiman. =)
Kahapon ko natanggap ang Christmas gift ko galing sa aking mga magulang — Pink case para sa aking iPod Touch. Wala na ata akong iba pang gusto, un lang. Well, gusto ko rin pala ng DSLR na camera, pero asa naman na makabili ako nun. Kanina, nagliligpit ako ng mga kalat ko dito sa table ko, napansin kong color-coordinated pala ang mga gamit ko.

(from l-r: baboy na phone holder, iPod Touch, iHome, mouse, Blackberry, Hello Kitty alarm clock na regalo sa akin ni Vanny, at Pink na aso)
Hindi ko alam kung nagkataon lang o sinadya ko yan. Alam kong gusto ko talaga nung pink na iPod touch case para pareho sila ng aking telepono, ung Hello Kitty eh regalo lang sa akin, ung iba eh ewan. Hehe. Grabe, feeling ko tuloy eh napaka-girly ko.
Ano kayang mabibili sa susunod na kulay pink pa rin?