Naalala ko pa noon, ang daming mga pangako, mga plano. Sa bawat araw na magkausap tayo’y pareho tayong umaasa’t naghihintay na matupad lahat un. May mababaw tayong plano, tulad ng pagpunta ko sa inyo para makilala ang mga magulang mo, pati na rin ung mga seryoso, nang minsan mo akong tanungin kung saan ko gustong ikasal. Pareho nating binuo ang bawat gusto at pangarap natin. Sinang-ayunan at pareho nating inisip na posible ang lahat. Posible, dahil alam natin na magkakasama din tayo sa huli.
Tulad nga ng sabi nila, lahat ng tao’y nagbabago. Nagising na lang ako isang araw na wala ka na. Dala mong lahat ang mga pangarap at plano natin at tuluyan mo nang binasura. Anung nangyari? Hanggang ngayo’y hindi ko alam kung anung nagawang mali, kung saan nagkulang. Hindi ka lang kasi siguro talaga nakapaghintay. Hindi mo na magawang mangako pang muli na alam mo namang hindi matutupad. Mas maigi nga siguro ang ganito, wala nang aasa, wala nang masasaktan. Umalis ka sa buhay ko ng ganuon na lamang, walang pasabi, walang warning. Hindi mo man lang tinanong kung gusto ko ba ito, hindi mo inalam ang mararamdaman ko. Kung dati-rati’y dalawa tayong nagpaplano, ngayo’y ikaw na lang ang nagpasya ng kung anung mangyayari sa ating dalawa. Sinaktan mo ako, dahil un ang alam mong makakabuti para sa akin. Yun kasi ang makakabuti sa atin.
Ilang buwan ang nakalipas, nalaman kong may bago ka na. Hindi na ako nagulat dahil parang yun lang naman ang nakikita kong dahilan para tapusin ang namamagitan sa atin. Hindi mo na ako nahintay kaya’t naghanap ka na ng ibang makakasama mo ngayon, ung hindi ka na paghihintayin. Ung sigurado na kayo na talaga panghabambuhay. Ung andyan ngayon para sayo.
Naiintindihan ko naman. Naiintindihan ko na ngayon.
Sya ang pinili mo, dahil sya ang nagbigay katuparan sa mga plano at pangarap natin.
Sya kasi ang realidad mo.













Nakz naman karmipot! Literary piece! Xmpre di naman akma ito sanyong dalawa,kc alam kong matutupad nyo ang mga pangarap at pangako sa isatisa. Napakilala ka na din naman sa magulang nya,at masugid kang hinhntay ni arvinpot. :)
ngayon na nga lang nakabisita dito ito pa ang mababasa ko.
ARAY.
hehe
wow ayos to ah… medyo naka-relate ako sa post mo. first visit ko rin at naaliw ako sa nabasa ko. :) ayos!
parang bitin……
dahil parati akong absent dito sa bahay ninyo, biglang akong natakot! buti na lang nagbasa basa pa ako. hehehehe!
..hmm..so sad..nakaka relate ako..