LP: mark my calendar

Posted 2 years ago Litratong Pinoy

LP logoNabanggit ko sa post ko dati na uuwi ako sa March. Ilang araw na lang, matatapos na ang Enero. Ang susunod na buwan ay 28 days lang. Pagdating ng Marso, 3 araw na lang ang hihintayin ko, aalis na ako. Hindi naman masyadong halatang excited ako ano? Di naman nga masyado. :)

Nasakto ang LP theme ngayong linggo. Balak (plan). Enero pa lang, ang dami ko nang planong gawin sa nalalapit kong paguwi ng Pilipinas. Makikipagkita ako sa mga kaibigan, katrabaho, kamag-anak at kay Arvin. Out of town, concert, gala sa mall, overnight stay sa bahay, birthday, Blogger’s EB, pasyal sa zoo, pagdalaw sa guardian angel ko, at pagsakay sa rollercoaster. Ilan lang yan sa mga plano ko.

Pero, dahil halos isang buwan lang ang bakasyon ko, kaya naman goodluck sa schedule ko.

O diba, araw-araw ang lakad ko. Hehe. Alam kong magiging hectic, exciting at syempre masaya ang nalalapit kong paguwi. :)

Ito ang aking lahok para sa ika-90 linggo ng Litratong Pinoy na may temang Balak(Plan). Kasalukuyan ko pa ring kinokontak ang mga kaklase ko nung elemetary para malaman na kung kelan nila balak magkita-kita. Alamin ang mga balak ng iba pang miyembro dito.

16 Responses to “ LP: mark my calendar ”

  • Thess said,

    Wow Karmi, malapit na nga..nakaka excite na yan! Naiimagine ko na rin si A na excited :) Ngayon pa lang I wish you a safe trip and a fun filled vacation!

  • Mirage said,

    pasalubong ko neng! haha. magkikita na naman sila at magguguyaman haha! Enjoy ha wag kalimutang magpictures! ;-)

  • Willa said,

    wow! fully booked ka na pala.Sana eh maenjoy mo ang iyong bakasyon at hindi ka mabitin! :)

  • julie said,

    Aba, ang saya ng plano mo ha :D Nagtataka lang ako, bakit 2 days ang birthday ni Ochie? hehehe

  • Marites said,

    huwaw! parang dikit-dikit nga ang aktibidades mo. eksayting! siguradong masaya yan lalo na si A:) maligayang LP!

  • Luna Miranda said,

    exciting talaga kapag pauwi…dapat ayusin na ang itinerary para walang masasayang na araw.:p

  • Arlene said,

    wow karmi, i wish you a safe and happy trip! yan talaga ang dapat sa maikling bakasyon – dapat naka plano na ang lahat. :)

    happy vacation!

  • Dinah said,

    bakasyon grande talaga! pagod na pagod pero super saya :-)

    heto naman ang aking balak

  • rio said,

    parang kelan lang yung masayang EB natin….ngayon, magbabakasyon ka na naman..ang saya! maiinggit talaga ako pag may eb kau..;)

  • Ebie said,

    Nakupo. Karmi, ilang araw lang ang walang aktibidades.
    Fully booked! Anyway, kung isang buwan lang, kulang talaga! Make us of the time and piktyur, ha?

  • Karen said,

    Malapit na nga Karmi. Sana this time magkita na tayo.
    Pa-comment naman sa contest na sinalihan ko. Isa kasi sa requirements ang paramihan ng comment. Hindi ko naman ma-post sa facebook baka mabuking ni boss. ahehehe

  • juviL said,

    yehey! lapit na. txt txt na lang ha hehe

  • daniel said,

    WAW. Im happy for you.. I wish you the best sa iyong holiday.. sana masulit mo ng todo :D

  • Jeniffer said,

    Grabe ah, nakaplano na talaga ang uwi mo d2 sa pinas. Napaka organize mo pala talaga karmi. How I wish ganyan din ako, organize ang mga ginagawa hehe.. ui got a new blog hehe.. :)

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Give your voice a face! This blog uses Gravatars, or thumbnail-sized pictures that's linked up with the email address you use in commenting.

Spam protection by WP Captcha-Free

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.