Pagapak mo dito sa Pinas ay ikabit nang mabilis itong sim sa telepono, upang marinig ko ang boses mong sinasabing sa paggising ko kinabukasa’y makikita na kitang muli, at muli pang aking mahahagkan.
Yan ang nakalagay sa note na kasama nitong simcard galing kay Arvin. Lalo akong na-excite at natuwa sa nalalapit kong paguwi. Ngayon lang nagsink-in sa akin, na sa next next Wednesday, ganitong oras, malamang ay hindi na ako magkanda-ugaga sa pagiimpake dahil kinabukasa’y aalis na ako. Ngayon pa lang ay gusto ko nang hilahin ang mga araw para March 3 na ka
agad. Ang tagal ng 2 weeks. Pero naisip ko, ok na rin na dalawang linggo na lang ang hinihintay namin, hindi katulad dati na buwan pa ang binibilang.
Itong simcard na ito ang gagamitin kong pantext at pantawag. Sa loob ng isang buwan hindi kami mamomoroblema na walang internet connection o di kaya’y di makasend ang Google Voice. Sa loob ng halos isang buwan, alam kong isang text o tawag lamang ang namamagitan sa aming dalawa. Hindi problema ang pagkakaiba ng oras at kung mapuyat man namin ang isa’t-isa. Napakalapit, napakadaling magkita.
May dalawang linggo pang hihintayin. Naisave na rin ni Arvin ang number na gagamitin ko paguwi. Hindi ko pa ilalagay ung sim sa telepono ko, baka kasi magexpire pa ung load. Sayang din ang 20 mins. na libreng tawag. Itatago ko muna ang sim kasama ng mga sulat at notebook.
At sa nalalapit kong pagalis, icha-charge ko ang telepono ko’t ilalagay ang sim. Ise-save ang kanyang number, na nakabisado ko na noon pa. Paglapag ng eroplano sa Pilipinas, katulad ng sinabi ni Arvin, tatawagan ko sya na may ngiti sa labi dahil sa wakas matapos ang dalawang taon, magkikita na kaming muli. <3





hanep…may pagka-mr. romantiko pala si sir arvin! wala akong masabi…haha!
hmm..dapat pala bayaran kayo ng Sun dahil sa exposure nila dito..haha! newey, swerte mo pala..ang chweet ng labidabs mo.. :D