LP: rubiks
Nang malaman ko na ang LP theme ngayong linggo eh “Husay”, ito na kaagad ang naisip kong lahok.
Rubik’s Cube aka Magic Cube. Simula pa noong bata ako, hanggang ngayon, ay hindi pa ako nakakasolve ng Rubik’s Cube. Wala akong tiyagang alamin kung papaano gawin un kaya di ko na rin pinlanong pag-aralan. Simula noong bata ako, wala pa akong nakilalang nakakasolve ng Rubik’s Cube. Akala ko wala na.
Video yan ng aking kapatid na babae, 2 years ago. Hindi naman masyadong halata na gamit na gamit ang kanyang Rubik’s Cube ano? 1:05 mins. ang tagal ng video, pinanood namin (ng kapatid ko) ulit habang ginagawa ko itong post at ang sabi nya’y ang bagal daw nya. Mabagal ba yan?! Hahaha. Dahil adik ang kapatid ko sa Rubik’s Cube, ito ang ilan sa mga cubes nya..
Rubik’s Magic, dalawang klase ng 3x3x3 Original Cube, 4x4x4 (Rubik’s Revenge/Master Cube) at Rubik’s 360
Para sa akin, matatawag ang “skill” ang pagsolve sa Rubik’s Cube. At ito ay isang skill na hindi ko makukuha. Sinubukan akong turuan ng kapatid ko, pero nahilo lang ako. Hehe. Hayaan ko na lang ung kapatid ko ang maging magaling dito. Maghahanap na lang ako ng ibang pwede kong gawin na magiging mahusay ako. :)
Ito ang aking lahok para sa ika-94 linggo ng Litratong Pinoy na may temang Husay (able, skillfull). Ang litrato ay kuha ng aking kapatid na babae. Gusto pa nyang bilhin ung 2x2x2 na Rubik’s. Bisitahin ang lahok ng iba pang miyembro dito.




