LP: rubiks

Posted 2 years ago Litratong Pinoy

LP logoNang malaman ko na ang LP theme ngayong linggo eh “Husay”, ito na kaagad ang naisip kong lahok.

Rubik’s Cube aka Magic Cube. Simula pa noong bata ako, hanggang ngayon, ay hindi pa ako nakakasolve ng Rubik’s Cube. Wala akong tiyagang alamin kung papaano gawin un kaya di ko na rin pinlanong pag-aralan. Simula noong bata ako, wala pa akong nakilalang nakakasolve ng Rubik’s Cube. Akala ko wala na.

YouTube Preview Image

Video yan ng aking kapatid na babae, 2 years ago. Hindi naman masyadong halata na gamit na gamit ang kanyang Rubik’s Cube ano? 1:05 mins. ang tagal ng video, pinanood namin (ng kapatid ko) ulit habang ginagawa ko itong post at ang sabi nya’y ang bagal daw nya. Mabagal ba yan?! Hahaha. Dahil adik ang kapatid ko sa Rubik’s Cube, ito ang ilan sa mga cubes nya..

Rubik’s Magic, dalawang klase ng 3x3x3 Original Cube, 4x4x4 (Rubik’s Revenge/Master Cube) at Rubik’s 360

Para sa akin, matatawag ang “skill” ang pagsolve sa Rubik’s Cube. At ito ay isang skill na hindi ko makukuha. Sinubukan akong turuan ng kapatid ko, pero nahilo lang ako. Hehe. Hayaan ko na lang ung kapatid ko ang maging magaling dito. Maghahanap na lang ako ng ibang pwede kong gawin na magiging mahusay ako. :)

Ito ang aking lahok para sa ika-94 linggo ng Litratong Pinoy na may temang Husay (able, skillfull). Ang litrato ay kuha ng aking kapatid na babae. Gusto pa nyang bilhin ung 2x2x2 na Rubik’s. Bisitahin ang lahok ng iba pang miyembro dito.

6 Responses to “ LP: rubiks ”

  • Julie said,

    Ang galing!

    Try nya yung ganung sa kilala ko, nakapiring pag ginawa binuo ang Rubik’s cube para mas may challenge :)

  • Ebie said,

    Wow! magaling! Kung ako, aabutin ng siyam siyam, hini pa mabuo!

  • Dinah said,

    ha ha, ako din never pa naka-solve ng rubiks cube. never have, and never will na yata. mukhang inborn skill yata yan e :-)

    Husay

  • Jeniffer said,

    wow ang galing ng kapatid mo, di ko pa din yan kayang isolve. wala din ako tiyaga. Magagaling sa math daw ang mga nakakasolve nyan. Pero di naman ako masyado elips sa mga taong nakakasolve nyan, palagay ko kaya ng lahat yan kung bibigyan ng attention.. and since di natin hilig malamang hanga tayo sa kanila.. :)

  • Ladynred said,

    Wow! very impressive. Ako baka isang linggo at hindi pa buo.

  • choknat said,

    ako rin dina nagtyagang alamin. hehe

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Give your voice a face! This blog uses Gravatars, or thumbnail-sized pictures that's linked up with the email address you use in commenting.

Spam protection by WP Captcha-Free

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.