eh-bakit

eh bakit?

Posted 2 years ago Uncategorized

eh bakit kelangan kong gumawa ng entry ngayon. wala lang. gusto ko lang. badtrip ako eh. bakit ako badtrip? ewan ko din. di naman dapat pero badtrip ako. magulo. sobrang gulo. gusto ko lang. blog ko naman ‘to kaya pwede.

basta badtrip. nababadtrip ako kasi badtrip ako. ayoko nang magonline. pero kaya ko ba? kaya naman. basta. nakakaasar. haha. natatawa ako dahil naaasar ako. move on mimay. move on.

:| taragis talaga. haha.

cge, titigil na ako. magagalit na si Arvin sa akin.

you stole my heart, sa isang tingin

Posted 2 years ago current events

Hindi ko na maalala kung kelan ko unang narinig ang P-pop group na XLR8. Ang alam ko lang, nagupload ng video sa facebook ang pinsan ko at naalala kong nagtweet ako kaagad tungkol dun. Medyo may pagkakahawig kasi sa tono ng isang kanta ng sikat na K-pop group na Super Junior. Matapos kong panoorin ng ilang beses ang video na shinare ko pa sa facebook, naLSS ako. Aminado din kasi akong catchy ang kanta at in fairness, maganda ang music video.

Fan ako ng Pinoyalbums sa Facebook at dahil nagaayos ako ng mga kanta ko sa iPod ko ngayon, naisipan kong bisitahin ung site para nakapagdownload ng kanta. Ang pinakarecent nilang album? Ung album ng XLR8. At oo, dinownload ko sya. Tamang trip. Pinakinggan namin ng kapatid ko ung kanta. Nagtrip ulit. At ito na ang kinalabasan.

Isang video.

Hindi ko alam kung papatok ang P-pop at kung madaming maghuhumaling dito katulad ng pagkahumaling natin sa K-pop at J-pop. Pero at least, madali lang i-lip-synch ang mga kanta nila.

ps.

Buti napilit kong ilagay ang video na ito dito sa blog, ayaw kasi ng kapatid ko na ilagay ko sa FB, makikita daw ng mga kaibigan nya. :P Hehe.

pps.

Pinagaaralan pa namin ung kanta. Next time, dance video na ito. Haha.

gusto ko lamang sa buhay

Posted 2 years ago inlove

Gusto ko lamang sa buhay ay yakapin mo ako
Hindi naman ako milyonaryo
Basta’t araw-araw yakap mo ko
Feeling ko ang yaman yaman ko

Na-LSS naman ako bigla sa kanta ng Itchyworms. Tas nung inisip ko na at napakinggan ung lyrics, tama nga naman, gusto ko lamang sa buhay ay yakapin mo ako.

Ang pinakamahirap kasi sa isang nasa-long distance relationship eh hindi pupwedeng basta-basta mo na lang makasama ung taong mahal mo. Ung tipong, isang text lang, pwede na kayong magkita pagtapos ng isang oras. Katulad nga ng sinabi ng pinsan ko kanina, walang physical contact. Oo nga’t naririnig mo ang boses sa telepono, nakikita mo sa webcam, pero hindi mo naman mayakap at mabatukan ng personal. Mahirap lalo kapag medyo nagkakatampuhan kayo, ung pakiramdam na gusto mo syang yakapin pero hindi mo magawa, ang bigat sa pakiramdam.

Kaya nga nung umuwi ako ng Pinas, talagang sinulit ko ung oras na pwede kaming magkasama ni Arvin. Halos araw-araw, walang palya, magkasama kami. Hindi ako nagsawang yakapin sya. Hay, ngayon pa lang na naiisip ko ung mga panahong un eh nangingiti na ako. Hindi na kailangang magsalita pa para malaman ang nararamdaman, yakap at titigan na lang pwede na. :)

Ngayon, halos isang buwan na nang huli kong nayakap si Arvin. Nakakamiss. Sobra. Kung pwede lang talaga na hilahin ko sya palabas ng webcam eh ginawa ko na. Hehe. Pero dahil hindi naman posible un, hihintayin ko na lang ulit ung panahon na mayayakap ko sya. Madami-dami na naman ang babayaran nyang yakap at halik. Magsisimula na akong magbilang.

Yakapin mo ako
Lunurin sa iyo
Salubungin ng ‘yong mga bisig
Dama ko ang ‘yong pag-ibig

i’m mobile

Posted 2 years ago blabbers

I’m mobile. Kadalasan eh nakikita ko yan sa mga status ng mga kaibigan ko sa YM. May point din sa buhay ko na gusto ko din na I’m mobile ang nakalagay sa YM ko pero di ko alam kung papaano. Napunta na ako dito sa Amerika ng magawa ko un. Hehe.

Dahil sa teknolohiya ngayon, karamihan sa mga websites na binibisita natin eh may kani-kaniyang mobile versions na rin. Nauso kasi ung mga internet ready phones at smartphones. At dahil on-the-go na ang mga tao, naging patok ito.

Ok. Bakit parang napakaformal ng entry ko. Hehe. Parang techwriter eh noh.

Blackberry Curve 8330 ang telepono ko ngayon. Magiisang taon na sa August, at masasabi kong gamit na gamit ko ang telepono kong ito. Unlimited internet pa lang, rason na para laging malowbatt itong telepono ko. Hehe. Dahil sa unlimited ang internet ko, madami-dami na din akong apps na nagagamit.

Facebook, Twitter, Google Talk, Google Voice, Yahoo! Messenger. Gamit pa lang ang telepono ko, buhay na ang online life ko. Hehe. Nakakapagchat na ako, check at update sa twitter at facebook, nakakapagtext pa internationally na libre. Minsan nang nagtaka ang pinsan ko, dahil 24/7 daw ata akong online. Sabi ko, hindi naman, natutulog naman kasi ako.

Nung isang araw lang, nadownload ko ung Tumblr app para sa BB. Nagmemaintain kasi ako ng tumblelog (dito gamit ang telepono ko. At para makapagpost ako, nagsesend ako ng email sa Tumblr account ko. Eh dahil may app na talaga ang Tumblr, di ko na kelangang magemail pa. Pwede na din akong magpost ng videos at audio. Ayus! Hehe.

I’m mobile. Hanggang ngayon eh sobrang bilib pa rin ako sa mga nagagawa na ng telepono. Ang simpleng gamit lang na pantawag at pantext, ngayon eh pwede nang makiconnect sa internet, saan ka man naroon. At akalain mo bang magagamit ko din ang telepono ko na magpost dito sa kundiman??:D hehe.. Salamat sa WordPress app for BB! Astig. Sana lang mapost nga ito, ang haba na kasi ng entry eh.. Hehe.

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.