LP: Isang Ilusyon

Posted 2 years ago Litratong Pinoy

Isang kasinungalingan ang mga 3D movies! Well, nililinlang kasi nito ang mga mata natin para makita ng mas malinaw ang pagkakaiba ng isang bagay na malapit kumpara sa isang malayong bagay sa isang pelikula. Ah basta, alam niyo na yun! :P Kung gusto mo ng mas brutal na paliwanag ay basahin ito.

Ito ang aming entry para sa 100th Weekly Challenge ng Litratong Pinoy, sa temang Kasinungalingan (lie, not true). Ang litrato sa itaas ay ako, nung nanood kami ni karmi ng Journey to the Center of the Earth 4D sa Enchanted Kingdom! Bisitahin mo ang lahok ng ibang miyembro:D

Isa pang uri ng kasinungalingan sa mga ay mga stereograms! Titigan mo ang imahe sa baba hanggang sa magkandaduling-duling ka, at may lalabas na dolphins:P hehehe.

Ginawa ko ito gamit ang isang stereogram maker na nakita ko online. Happy LP!

5 Responses to “ LP: Isang Ilusyon ”

  • Luna Miranda said,

    naaliw naman ako sa litrato mo.:p
    kahit fake ang 3D, nakakatuwa pa rin.

  • eloiski said,

    ahahahaha! itsura ni kuya komski oh mukhang nalinlang! hakhak!

    tawang-tawa ako sa klameyt ko dati kasi hindi niya makita yung hubad na babae sa stereogram! hagalpak ako sa kakatawa. titig na titig talaga eh. nagcoconcentrate! wahahahahahahahahaha!

  • jeniffer said,

    ah dolphine ba yun? di ko napansin.. naduling na ako.. kakatingin..

  • Ebie said,

    Gusto ko rin and 3-D na mga movies.

    Hehehe, pakengkoy ang photo mo, very expressive pa!

    Happy LP!

  • Mirage said,

    ahihi, ang kulit ng inyong entry! Nakabalik ka na ba karme? tuwa na naman si pareng arvin ah ;) Enjoy!

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Give your voice a face! This blog uses Gravatars, or thumbnail-sized pictures that's linked up with the email address you use in commenting.

Spam protection by WP Captcha-Free

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.