Nangako akong hinding-hindi ako magpapahatid sa airport. Ayokong maranasan ung napapanood ko sa pelikula at tv – magyayakapan at magiiyakan. Madrama akong tao, pero ayokong gumawa ng eksena. Ayokong umiyak. Ayokong umiyak sa harap ng madaming tao. Ayokong umiyak sa harap nya.
Lagi kong iniisip na mas mahirap atang umalis kapag andun sa airport ang taong iiwan mo. Baka kasi hindi ko na makayanang umalis at magpaiwan na ako ng tuluyan sa flight ko. Hay, parang pelikula na naman. *cue in movie scene* Nasa loob na ako ng airport, habang nasa labas naman sya’t kumakaway. Naramdaman ko na lamang na tumulo ang luha ko sa aking kaliwang pisngi. Gusto ko ba talagang umalis? Sya ang buhay ko. Hindi ko ito kaya. Dali-dali kong kinuha ang mga gamit ko’t tumakbo papalabas. Nakita ko syang tumatakbo din. *end ng movie scene* Ang chessy na, pero alam nyo na kung anung susunod na mangyayari.
Pero nitong nakaraang uwi ko sa Pinas, kinain ko lahat ng sinabi ko. Hindi ko rin natiis, pumayag na rin akong ihatid ako ni Arvin.
Sa amin na sya natulog gabi bago ako umalis dahil alas-syete ng umaga ang flight ko kinabukasan. Nang gabing un, habang naglalakad kami papauwi, kinanta namin ang paboritong kinakanta ng lola ko bago sya umalis – “Leaving on a Jetplane”. *iPod playing* “All my bags are packed, I’m ready to go. I’m standing here outside your door. I hate to wake you up and say goodbye..” Magkahawak kamay kaming kumakanta habang naglalakad sa loob ng Ateneoville. Hindi pa nagsi-sink in na aalis na akong kinabukasan. O in denial pa ako. Malamang.
Usapan nami’y walang tulugan, pero dahil pareho kaming pagod sa naging lakad namin ng araw na iyon, nakatulog din kami ilang minuto paglipas ng alas-dose ng hatinggabi. Nagdrama saglit pero may kulitan pa rin. Bago ako matulog ay napaisip ako. “Aalis na ba talaga ako bukas?”
Nangako akong hinding-hindi ako magpapahatid sa airport. Ayokong maranasan ung napapanood ko sa pelikula at tv – magyayakapan at magiiyakan. Madrama akong tao, pero ayokong gumawa ng eksena. Ayokong umiyak. Ayokong umiyak sa harap ng madaming tao. Ayokong umiyak sa harap nya.
Pero heto na kami ngayon, nasa tapat ng Ninoy Aquino International Airport. Ito na talaga, wala nang atrasan. Iniwan na kami ni Arvin ng mga pinsan ko, dahil coding ang sasakyan nila ng araw na iyon. Sabi nya’y iintayin daw nya akong makapagcheck-in. Sabi ko nama’y lalabas ako ulit pagtapos. Pumasok ako sa airport – mahabang pila, nagtatakbuhang mga tao dahil naghahabol ng flight, dalawang bagaheng kelangang icheck-in at dalawang carry on bags. Nasabi ko na ba na ang haba ng mga pila?
7:40am ang flight ko kaya kailagang 6:40am eh nasa gate na ako. Magaalas-sais na’y nakapila pa rin ako para magbayad ng Travel Tax. Mabuti na lang, magisa lang ako, kaya medyo mabilis ang pagpa-process at 200php lang ang binayaran ko. Papalabas na ako ng airport nang sabihin sa akin ng babaeng guard na kelangan nyang kunin ung ticket at boarding pass ko. Binigay ko ang ticket at ibinigay sa akin ang isang number. Parang sa baggage counter lang. Pinaalalahanan din nya akong bilisan ko lang at anong oras na kasi, baka malate ako sa flight.
Dala ko ang number at dalawang carry on bags, binilisan ko ang lakad papunta dun sa canteen. Andun si Arvin, nakangiting sumalubong sa akin. Wala na akong maalalang ibang pinagusapan namin, dahil parang di naman kami nagusap talaga. Nagtinginan lang ata kami. Ay tinanong pala nya ako kung saan ang lakad namin ng araw na ‘yon. Parang ordinaryong araw lang sa para sa amin. 6:15am na ata nang umalis kami dun sa canteen. Nang nasa harap na kami nung pintuan papasok, saka ko naramdaman ang ayokong maramdaman. Ung pinakareason kung bakit ayokong magpahatid sa airport. Ayokong umiyak. Kaya naman niyakap ko na lang sya ng mahigpit. Wala akong pakialam sa mga taong nasa paligid namin. Dun ko rin naramdaman ang ayaw kong pagbitaw sa pagkakayakap. Pero kailangan. Niyakap ko syang muli, pinakahuling beses at saka na ako umalis. Hihintayin daw nyang umalis ang eroplano ko bago sya umuwi.
Pumasok na ako sa loob ng airport, hindi na ako lumingon ulit. Kinakabahan na rin kasi ako, baka maiwanan ako ng flight ko. Iniabot ko ang number dun sa babaeng guard, ibinigay naman nya ang boarding pass ko. Ang mga sumunod na pangyayari ay hindi ko na masyadong maalala. Basta ang naaalala ko lang, nakaupo ako dun sa may tapat ng gate ko at kausap ko si Arvin sa telepono. Hanggang doo’y nagkukulitan pa rin kami. Sobrang mamimiss ko sya. Sobra talaga. Naputol ang tawag. Nalowbatt na ako. Ilang minuto pa’y boarding na. Gara dahil hindi ako nakapagpaalam ng maayos.
Nakaupo na ako sa loob ng eroplano, pilit ko pa ring pinagdarasal na sana mag-On ung telepono ko, nang maisip kong hindi na rin pala masama na inihatid nya ako sa airport. Para hanggang sa pinakahuling sandali eh nakasama ko sya. Hindi ako naiyak habang yakap ko sya pero naiiyak ako nung kausap ko sya sa telepono. Ilang taon na naman kasi ang bibilangin bago ko sya makita ulit. Pero bawal malungkot, alam kong makakapaghintay kaming pareho. Uuwi pa naman ako, at sana this time, sa susunod na magkita kami sa airport, eh hindi na lang para ako’y ihatid, kundi para ako’y sunduin.





Ang sweet niyo naman talaga ate! :) Awww, naalala ko tuloy dati nang ihatid ko si Dad sa airport. Busy ako nung araw na yun eh, kaya di ako masyadong nakapagemo-emohan, pero the next day saka naman ako nalungkot. Ayun, ingat ate. God bless!
Ambilis lang nga, pagkagising ko, kumain, ‘tas umalis. Onting drama sa kotse:P Asa gitna natin si dea, hehehe, kaya pinagalaw lang natin ang mga labi sa pagsasabi ng “i love you” at “i’ll miss you”. ‘Tas sa airport e pumasok ka na kagad, dapat pala hindi na ako nagCR muna, akala ko kasi matagal yung pila:P
Buti na lang talaga e nakalabas ka ulit, may sign kaya dun na bawal na lumabas:P Buti pinayagan ka. Tagal din kitang inantay sa may cafeteria. Onti lang ang tao, kakain, ‘tas may isang aalis sa bawat kumpol. Yun na yung huli nilang kain na magkakasama sila, ‘tas ilang taon din ang bibilangin bago maulit.
Hindi ko rin naman alam kung ano ang sasabihin, alam naman nating dalawa na hindi naman yun ang huli. E kitang kinagabihan nun e makakausap ulit kita, hehe. Pero yun nga, balik na naman tayo sa pagiging online lovers:P
Isang buwan din kitang nakasama:) Saya, sobra. At oo no, next times e sasalubungin naman kita:D
ang keso.
miss na kita tol :)
aww :) di ko naihatid si boyfriend pagalis nya. pero oki lang, magkasama pa rin kami madaling araw ng araw ng alis nya. di rin ako nakapagdrama at umiyak sa harap nya dahil ayaw namin pareho. and pareho tayo, pagkausap sa phone eh dun naiiyak, binabaan ko pa siya ng phone kasi hindi ko na kaya, kelangan ng iiyak, eh ayokong marinig nya. hehehe :) haaay, kaya natin to mga nasa LDR! hahaah
aww, sabi na, ikaw ug nagtanong sa formspring.. ewan ko talaga kung bakit nawala ung question mo:( weird lang..
san pala nagpunta si bf? matagal ba syang mawawala? madali na nga ang LDR ngayon dahil mas madaming means of communication.. ang kalaban mo lang eh ung sobrang pagkamiss at pagkagustong makasama sya..
alam kong kaya nyo yan^^ kayo pa! :) basta andito lang ako, message mo lang ako sa FB kung may tanong ka:) hehe.. parang expert eh noh:P
mwah!
kaya nga kami ni ofw hubby di kami naghahatid…go sya mag isa sa airport….yung first na alis lang nya ang naghatid ako sakit sa lalamunan kakapigil sa tears
hahah :)) galing! alam mo talaga na ako! ayun, andun xa sa malaysia, kelangan kumayod eh. hahah :)) para sa future! ;) un nga rin, one call away lagi. pero, oo, un talaga ang kalaban namin. sobrang miss na namin ang isa’t-isa, minsan naiiyak na ako. thanks ate karmi! :) we can do it! :D
di ko ba nasend yung comment ko sis? haha.
tekaaaaaaaaaaaaaaa. tekaaaaaaaaa. teka, pwede pa ba lumabas pag nakapag check in na?? san ang canteen dun?? waaaaah!! ): bat di ko alam yun.. pwede ba sila pumasok??
‘Di pwede pumasok yung mga hindi lilipad. Pero may resto-canteen dun sa may far left nung terminal:) Yung entrance e katabi ng employee’s entrance. Ewan kay karmi kung paano siya nakalabas:P pero pwede nga ata.