gusto ko lamang sa buhay
Gusto ko lamang sa buhay ay yakapin mo ako
Hindi naman ako milyonaryo
Basta’t araw-araw yakap mo ko
Feeling ko ang yaman yaman ko
Na-LSS naman ako bigla sa kanta ng Itchyworms. Tas nung inisip ko na at napakinggan ung lyrics, tama nga naman, gusto ko lamang sa buhay ay yakapin mo ako.
Ang pinakamahirap kasi sa isang nasa-long distance relationship eh hindi pupwedeng basta-basta mo na lang makasama ung taong mahal mo. Ung tipong, isang te
xt lang, pwede na kayong magkita pagtapos ng isang oras. Katulad nga ng sinabi ng pinsan ko kanina, walang physical contact. Oo nga’t naririnig mo ang boses sa telepono, nakikita mo sa webcam, pero hindi mo naman mayakap at mabatukan ng personal. Mahirap lalo kapag medyo nagkakatampuhan kayo, ung pakiramdam na gusto mo syang yakapin pero hindi mo magawa, ang bigat sa pakiramdam.
Kaya nga nung umuwi ako ng Pinas, talagang sinulit ko ung oras na pwede kaming magkasama ni Arvin. Halos araw-araw, walang palya, magkasama kami. Hindi ako nagsawang yakapin sya. Hay, ngayon pa lang na naiisip ko ung mga panahong un eh nangingiti na ako. Hindi na kailangang magsalita pa para malaman ang nararamdaman, yakap at titigan na lang pwede na. :)
Ngayon, halos isang buwan na nang huli kong nayakap si Arvin. Nakakamiss. Sobra. Kung pwede lang talaga na hilahin ko sya palabas ng webcam eh ginawa ko na. Hehe. Pero dahil hindi naman posible un, hihintayin ko na lang ulit ung panahon na mayayakap ko sya. Madami-dami na naman ang babayaran nyang yakap at halik. Magsisimula na akong magbilang.
Yakapin mo ako
Lunurin sa iyo
Salubungin ng ‘yong mga bisig
Dama ko ang ‘yong pag-ibig





o nga’t naririnig mo ang boses sa telepono, nakikita mo sa webcam, pero hindi mo naman mayakap at mabatukan ng personal.
talgang kailangan kasama ang “mabatukan ng personal” sissy?? haha
hahaha:P oo, kasama talaga un sissy.. baka kasi magdrama ako ng sobra dito sa post.. kaya ayan:) hehe
gusto ko mabatukan ng personal yung unang nagcomment. hahaha
love you sissy.
love you both :)
<3
Dapat pala nag-EB kayo bago pumunta si vanny ng China e no:P hehe.