you stole my heart, sa isang tingin
Hindi ko na maalala kung kelan ko unang narinig ang P-pop group na XLR8. Ang alam ko lang, nagupload ng video sa facebook ang pinsan ko at naalala kong nagtweet ako kaagad tungkol dun. Medyo may pagkakahawig kasi sa tono ng isang kanta ng sikat na K-pop group na Super Junior. Matapos kong panoorin ng ilang beses ang video na shinare ko pa sa facebook, naLSS ako. Aminado din kasi akong catchy ang kanta at in fairness, maganda ang music video.
Fan ako ng Pinoyalbums sa Facebook at dahil nagaayos ako ng mga kanta ko sa iPod ko ngayon, naisipan kong bisitahin ung site para nakapagdownload ng kanta. Ang pinakarecent nilang album? Ung album ng XLR8. At oo, dinownload ko sya. Tamang trip. Pinakinggan namin ng kapatid ko ung kanta. Nagtrip ulit. At ito na ang kinalabasan.
Isang video.
Hindi ko alam kung papatok ang P-pop at kung madaming maghuhumaling dito katulad ng pagkahumaling natin sa K-pop at J-pop. Pero at least, madali lang i-lip-synch ang mga kanta nila.
ps.
Buti napilit kong ilagay ang video na ito dito sa blog, ayaw kasi ng kapatid ko na ilagay ko sa FB, makikita daw ng mga kaibigan nya. :P Hehe.
pps.
Pinagaaralan pa namin ung kanta. Next time, dance video na ito. Haha.





Ang cute niyo naman ng kapatid mo Ate Karmi! Hehehe. Ang galing niyo naman at nasabayan niyo yung kanta. Parang ang bilis bilis niya eh. Hehe. :D