guest writer!
Wala kaming entry para sa LP dito sa kundiman..
Hindi dahil tinatamad o nakalimot kami..
Kami kasi ni Arvin ang guest writer(s) ng LP para sa theme ngayong linggo na “Pindot (Press)“. ^^
Pindutin na ang link sa itaas at makikanta na!!
kundiman[dot]netdahil ang tanging panalangin ko ay ikaw.
guest writer!
Posted almost 2 years ago
Litratong Pinoy
Wala kaming entry para sa LP dito sa kundiman.. Hindi dahil tinatamad o nakalimot kami.. Kami kasi ni Arvin ang guest writer(s) ng LP para sa theme ngayong linggo na “Pindot (Press)“. ^^ Pindutin na ang link sa itaas at makikanta na!! Nangako akong hinding-hindi ako magpapahatid sa airport. Ayokong maranasan ung napapanood ko sa pelikula at tv – magyayakapan at magiiyakan. Madrama akong tao, pero ayokong gumawa ng eksena. Ayokong umiyak. Ayokong umiyak sa harap ng madaming tao. Ayokong umiyak sa harap nya. Lagi kong iniisip na mas mahirap atang umalis kapag andun sa airport ang taong iiwan mo. Baka kasi hindi ko na makayanang umalis at magpaiwan na ako ng tuluyan sa flight ko. Hay, parang pelikula na naman. *cue in movie scene* Nasa loob na ako ng airport, habang nasa labas naman sya’t kumakaway. Naramdaman ko na lamang na tumulo ang luha ko sa aking kaliwang pisngi. Gusto ko ba talagang umalis? Sya ang buhay ko. Hindi ko ito kaya. Dali-dali kong kinuha ang mga gamit ko’t tumakbo papalabas. Nakita ko syang tumatakbo din. *end ng movie scene* Ang chessy na, pero alam nyo na kung anung susunod na mangyayari. Pero nitong nakaraang uwi ko sa Pinas, kinain ko lahat ng sinabi ko. Hindi ko rin natiis, pumayag na rin akong ihatid ako ni Arvin. Read the rest of this entry » photoblog #22: resibo
Posted almost 2 years ago
photoblog
Mga resibo sa mga kinainang restaurant. Resibo ng mga damit at gamit na pinamili. Tickets ng sine. Ticket nang magSafari at natakot sa mga tigre. Ticket kasama si Arvin nang kami’y magEnchanted. LRT ticket na pinagamit ko kay Arvin. Resibo kapag nagCR ka sa Gateway (dun sa may bayad). Sun Prepaid Cards. Kung nakita ako ng nanay ko na isang tambak ng papel at kalat ang nasa ibabaw ng la mesa ko, malamang magagalit sa akin un. Mahilig kasi akong magipon ng mga resibo, papel, at kung anu-anong bagay na alam kong makakapagpaalala sa akin sa isang pangyayari. At yan nga ang ginawa ko sa buong stay ko sa Pinas, nagipon ng mga resibo. At madami-dami rin pala ang naipon ko.^^ salamat Chowking
Posted almost 2 years ago
open letter
Dear Chowking (Trinoma Branch), March 9, 2010, bandang alas-dos o alas-tres ng hapon, kumain kami ng boyfriend ko sa inyong restaurant. Dalawang Chaofan at Nai Cha ang inorder namin. Medyo madaming tao sa loob ng resto, kaya naman sa labas kami pumwesto. Masarap naman ung pagkain, ito nga ung namiss ko sa Amerika eh – Siomai at Chaofan. Sana kasi magbukas kayo ng Chowking dito sa Texas eh, para di na ako dadayo pa ng Las Vegas kung gusto kong kumain ng Halo-halo o Kangkong with bagoong. Pagkatapos naming kumain, umorder kami ng dalawang Halo-halo. Bumalik ang boyfriend ko sa table namin na may panibagong number na dala. Dumating ang Halo-halo, pero wala ang dalawang scoop ng ice cream. Ummm, ung dalawang Halo Petit with 1 scoop po ang inorder namin. Sinabihan na lang po namin ung isang crew na kulang nga ung inorder namin, nagrequest na rin kami ng dalawang baso ng tubig. Ilang minuto pa’y dumating ang aming ice cream, may isang bowl din ng gatas, pero nakalimutan ang tubig. Ayos lang, uubusin na lang muna namin ang Halo-halo, saka na lang kami hihingi. Nga pala, ang sarap ng Halo-halo ha, sana lang po sa susunod eh dagdagan nyo ang gatas, suggestion lang naman. :) Naubos na ang Halo-halo, may sinabihan na din kaming ibang crew, wala pa ring tubig. Siguro’y hindi nyo na kami naaalala. Madali lang naman kaming mapansin ng araw na iyon. Naka-couple’s shirt kasi kami ng boyfriend ko noon. Kami ung may suot na t-shirt na may mga puso. Ung nagli-light up. Nagpikturan nga rin kami sa labas eh. Malamang napansin kami ng crew nyo. Hehe. Hindi na po siguro kayo nagtataka kung bakit ako sumusulat sa inyo ngayon. Umm, medyo nagiging makakalimutin po ata ung crew nyo. Ice cream, tubig. Naiintindihan ko po, busy kasi ng araw na iyon. Ang dami talagang tao, na kung iisipin eh hindi naman weekend. Madami lang siguro kasi talaga ang gustong kumain ng Halo-halo, mainit kasi. Pero kahit na ganun ung sitwasyon, sana naman ay hindi mawala ung customer service, ok naman kasi ung pagkain sa Chowking kaya binabalik-balikan talaga ng mga tao. Next times po ha. Sana hindi na ganon. Sya nga pala, may isa pa palang nakalimutan ung crew nyo.. Salamat po sa remembrance ha. :) – Mimay |