photoblog-21-meet-hp

photoblog #21: meet HP

Posted photoblog

Sh*t! Di pwede to ung mga files ko!!! :’(

Isang linggo bago ako umalis ng Pilipinas, March 24, nasira ang laptop ko. Pagkauwi ko galing sa lakad namin ng pinsan ko, binuksan ko ang aking laptop para makausap si Arvin. Ilang minuto ang lumipas matapos kong pindutin ang power button, wala pa rin akong nakitang lumabas sa monitor nito. Tanging tunog lamang ang narinig na hudyat na nagstart na ang Windows. Nagpanic na ba ako nun? Hindi naman. Ano pa ba ang mas extreme sa pagpapanic? Un kasi ata ang ginawa ko.

Dumaan ang ilang araw, nawalan na ako nang pag-asa sa laptop ko. Pumunta pa ako sa SM Marikina, sa Dell Store nila doon para lang malamang kung magiging ok pa ung laptop ko. Video card daw ang nagfail. Walang nagawa si Kuya, kelangan daw ipadala sa Dell Philippines ung computer ko. Sabi ko’y di bale na lang, di aabot dahil 4 na araw na lang ay aalis na rin naman ako. Nakipagkita na lang ako kay Arvin ng araw na iyon, nagenjoy at hindi na muna inalala ang laptop.

April 1. Dahil alam kong magiging mahal din ang bayad ko kung ipapagawa ko ung laptop at mas makakamura pa kung bibili na lang ng bago, heto na ang gamit kong computer ngayon. :)

HP Pavilion Slimline. Hindi na laptop ang binili ko, nadala na ako dahil dalawang laptops na ang dumaan sa akin. In fairness naman, umabot din ng 2 taon ung huli kong laptop bago nasira. Desktop PC naman ngayon para iba, medyo pahirapan nga lang sa pagse-setup, malaki ang monitor at maingay ang keyboard kapag nagty-type. :) Pero mas tumatagal naman ata ito kesa sa laptop. Sana. Hehe. Medyo magastos kasi kung kada dalawang taon eh magpapalit ako ng computer.

Iisipan ko na lang ng paraan kung paanong makukuha ko pa ung files dun sa laptop ko. :)

Matapos ang Dalawampu’t Isang Buwan..

Posted blabbers

ay marami na ring ipinagbago ang choice photo-op location naming dalawa ni Carme, ang La Mesa EcoPark. O hindi lang talaga namin masyado pinansin ng mabuti yung mga lugar-lugar papasok sa eco park last last year:P

Sigurado akong bagong pintura yung EcoCenter, mas maraming signs, may mga kubo sa tabi ng fishing wharf at sinimentuhan na nila ang dating rough road papasok sa compound.

Pero ang pinakamalaking pinagkaiba nung pagpunta namin noon at sa nitong March ay nung dati, kaming dalawa lang yata ni Carme ang tao noon, na nadagdagan lang pero hindi hihigit sa 15 kaming lahat. Pero iba nung March; May tatlong bus, ilang vans, dyip at traysikel. Ang dami-daming tao, hehe.

At kami ang pang-apat magsyota na dun ang date sa araw na iyon.

Pero iba kami, naka-couple shirts kami, hehehe. Na siyanga pala e napanalunan ko sa Giddy Shirts. At professional cam-whores kami, hindi na kelangan ng tripod:P

Kung dati’y solo lang namin ang buong Petron Fitness Trail, ngayo’y naging puno ito ng mga nagtatakbuhang mga HS students sa kanilang Amazing Race, yung Pavillion kung saan sumilong kami nung umulan dati ay puno ng mga matatandang kasali sa isang diabetic clinic sa kanilang salu-salo. May mga nagsiswimming pero hmmmm, wala kaming napansin na nagpepre-nup. Ay meron pala, isa.

Ang dami-daming tao, hehehe, mas nakapaglibot tuloy kami kesa dati. At buti nga, dahil nalibot na namin ng buo ang buong park dahil hindi rin umulan:) At ang dating di namin mahanap na mga bangka, ayan, nakasakay na rin kami:D

Next times ulet ay babalik at babalik pa rin kami sa Lamesa Eco Park. At kung gusto niyo pumunta ay madali lang, sakay lang kayo from EDSA ng bus o dyip na papuntang SM Fairview, ‘tas pwede niyo na sabihin na papunta kayong eco park. Kung hindi nila alam yun ay sabihin niyo na lang na makalagpas lang ng Fairview Market. Ang dadaanan niyong mga landmarks e QC Circle, Philcoa, Ever Gotesco Commonwealth, Sandiganbayan, Litex… ‘tas kapag nakita niyo na yung KFC sa kanan, bumaba na kayo sa susunod na kanto, Winston Street yun. May mga traysikel na dun na pwedeng sakyan papuntang ecopark. Eto ang rin ang route map.

50 pesos ang entrance, 40 kung QC resident, 20 kung QC student at 80 pesos naman ang pool entrance. Ok lang kung hindi magdala ng lunch dahil may Ox sa Binalot sa loob, 55 pesos ang porkchop, 65 ang liempo; may kasamang itlog na pula at kamatis:P Narito naman ang kumpletong listahan ng rates para sa iba’t ibang facilities nila.

sinabi na ngang bawal kumain ng karne kapag Good Friday

Posted Uncategorized

Bigla naman akong nagutom. Pero bawal kumain ngayon ah. Hmmm, hindi, pwede naman siguro, bawal ang karne oo.

Ay sakto, may vending machine sa Sublevel, titingin na lang ako ng makakain.

Sakto na siguro ung $3. Parang gusto ko ng ice cream. Teka, asan ko nga kaya nailagay ung 500 pesos na natira nung uwi ko? Goodluck. Sana nasa bagahe ko lang un. Ah tama, andun lang un sa sling bag ko. Sana nga andun.

Deliver ko muna tong reports, ‘tas bili na ako ng pagkain.

Grabe, ambagal ng elevator. Nakakatakot ung pinanood namin kanina. Sumunod ata sa Araw ng mga Patay, Biyernes Santo ung sumunod na araw na natatakot ako. Dahil na rin siguro sa mga kwento noon sa amin ni Ate Rosie. Saka ang tahimik kasi eh ung tipong sa bahay ka lang, walang palabas sa tv tas bawal pang magingay. Bawal kahit na anong ingay, bawal ding kumain. Patay daw kasi ang Dyos eh.

Well, noon ganun, ngayon iba na. Ung kapatid ko inaya pa ng mga kaklase nyang manood ng sine. Di nila magets kung bakit hindi pwedeng umalis ng Biyernes Santo. Para sa kanila off sila sa klase kaya masaya. Adik lang. Hindi kasi sila Katoliko.

Morgue na nga pala tong katapat ng Mail Room. Adik. Ayokong pumasok dyan.

Putakteng printer, nagulat ako. Bilis. Bilis.

Hmm, ano kayang makain? Ayos, may $1 na ice cream, pero parang gusto ko nung Snickers, $1.25 nga lang. Ay ung isang klase ng ice cream na lang ‘tas bibili ako nung Hot Pockets.

Chicken and Cheese, Steak, Pork. Goodluck. Hindi pwede. Pero gutom na ako eh. Ok lang siguro. Pasaway na Kristiyano.

Bill face up. Baligtad. Hala, may punit pa tong pera ko, sana tanggapin.

A2.

Anakngtukneneng. Hindi bumaba ung ice cream?! Seryoso?! Ayoko namang suntukin tong vending machine, makikita sa camera.

Walang ibang choice kundi ang maglagay ulit ng pera. Dalawang ice cream? Ibibigay ko na lang kay bossing ung isa.

Bill face up. Ang lutong nitong bill ah.

A2.

Ayan, bumaba na ung isa. Ok ok ok…

Seryoso?! Ung isa naman ang nastuck?

$2 para sa isang pinipig ice cream. Well, ok na rin siguro kesa wala. $1 na lang tuloy, di na ako makakabili ng Hot Pockets.

Uy may Chex Mix. Un na lang.

10 cents. Di na rin ako makakabili ng softdrinks.

last-day

Last day…

Posted Uncategorized

Lunes ng gabi, March 29, sa bahay natulog si Arvin dahil ihahatid nya ako sa airport kinabukasan. Video ulit bago ako umalis.. Sensya na kung mahina ung audio, ipinatong ko lang kasi ung camera sa maleta ko.. Hehe.. Madilim ng onti dahil low light lang ung ilaw namin sa sala..

Hay. Huling araw, pero masaya pa rin naman kami. :)

YouTube Preview Image
Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.