LP: Pamilya
Ngayong LP Thursday na may temang Pamilya ay pinost namin ni karmi ang mga family pictures namin:

O, ‘wag muna kayo aalis..
Dahil minsan lang naman kami makumpleto na nakabihis lahat at may camera, eto’t nagpicture-taking kami matapos ang Misa de Galo. Pero ngayong iniisip ko, hindi ako sigurado kung bakit kami may dalang camera, hehe. Pero ang hula ko ay dahil pinadala ng nanay ko dahil sa induction ng officers ng San Gabriel Sub-Pastoral Council (SPC). Di nga updated yan kasi nag-asawa na yung ditse ko at may pamangkin na rin ako :)

O, wacky pose naman..
Pagkasabing-pagkasabi nung photographer na wacky pose eh alam na naming lahat ang gagawin namin. Wacky, meaning magulo. Meaning kanya-kanya na. Meaning kahit na nakapormal eh pwedeng-pwedeng magpacute sa camera. Hehe. Ang litratong ito ay kuha, dalawang taon na ang nakalipas nang ikasal ang aking kapatid na lalake. Hanggang ngayon ay ito ang pinakapaborito kong family picture namin. :)
Ito ang aming lahok para sa ika-106 linggo ng Litratong Pinoy na may temang Pamilya (Family). Halina’t bisitahin ang lahok ng iba pang miyembro.





Mahilig din kami sa wacky pose. Hehe. Madalang din lang kaming makakuha ng litrato na kumpleto kami kaya espesyal talaga yan.
Magandang araw!
Eto ang lahok ko:http://tanjuakiohome.blogspot.com/2010/05/lp-pamilya-family.html
Arvin, regards sa sister mo..I remember her from LP EB :)
Ang cute ng wacky post ng family mo Karmi! cute!
Ay ang ganda naman talaga ng wacky pose na yan… kitang-kita ang saya sa mga mukha!
Maganda nga ang wacky pose picture ninyo! Something to keep forever.
Gusto ko ang mga wacky poses! Makulay, masaya at magandang pamilya!
ang cute naman ng pictures nyo. medyo serious tapos wacky! love it!
haha! ang saya ah! waking-wacky talaga!
Heto ang aking entry para sa linggong ito. ^_^
abangan ang francia-castro family picture.
wahahahaha