text message

Posted almost 2 years ago inlove, ldr

Alas-kwatro ng umaga dito, alas-singko ng hapon dyan. Di ka makagamit ng computer kaya naman nagpapalitan na lamang tayo ng text messages. Sabi mo’y nakahiga ka ngayon. Sabi ko nama’y gusto kitang tabihan para ika’y mayakap ko habang kinukwentuhan kita ng kung ano man ang pumasok sa isip ko. Nakakamiss. Sobrang miss na kita.

Hindi masyadong naging maganda itong mga nakaraang araw para sa ating dalawa. Nakalimot ako, nagselos ka. Normal lang sa isang relasyon ang magkatampuhan pero mahirap para sa atin dahil malayo tayo sa isa’t-isa. Hindi ganun kadaling suyuin ang isa kung may nagawa mang kasalanan. Pero gamit ang internet at text message, naging maayos na ulit tayo. Hindi na ako makakalimot pangako. Sorry ulit mahal sa mga naging kasalanan ko. *yakap!*

Sobrang miss ko nang kurutin ang iyong ilong. Ang paghawak mo sa aking mga kamay. Paghalik sa pisngi at labi. Pagtitig sa iyong mga mata habang sinasabing mahal na mahal kita. Pagyakap sayo habang tayo’y naglalakad. Mga simpleng bagay na hindi ko nagagawa ngayon. Mga bagay na hindi ko alam kung kelan ko ulit magagawa, ung kasama ka.

Habang hinihintay nating dumating ang panahon na makakakulitan kitang muli ng personal. Magiging masaya na lamang muna ako sa pagbabasa ng mga mensahe mo para sa akin. Sasaluhin na lang muna ng aking telepono ang mga halik at ipapadala ko ang mga mensaheng kalakip ay ang aking pagmamahal para sa’yo.

2 Responses to “ text message ”

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Give your voice a face! This blog uses Gravatars, or thumbnail-sized pictures that's linked up with the email address you use in commenting.

Spam protection by WP Captcha-Free

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.