LP: Paghihintay

Posted almost 2 years ago Litratong Pinoy

Ang tagal naman nya, yan ang aking iniisip habang hawak itong numerong ibinigay sa akin ng crew. Napaaga ata akong masyado. Anung oras pa lang kasi, umalis na ako ng bahay para di matrapik, pero nakalimutan kong Linggo nga pala ngayon kaya wala masyadong sasakyan. Kaya heto ako ngayon naghihintay.

Gutom na rin ako. Hindi na ako nakakain ng agahan sa pagmamadali. Buti na lamang at dito kami magkikita, makakakain pa ako habang naghihintay. May dumaang isang crew sa harap ko, itinaas ko ang numero, pero hindi pa pala iyon ang inorder ko. Ang tagal naman.

Halos labin-limang minuto na rin ang lumipas, sa wakas ay dumating na ang pagkain ko. Ibinigay na ng crew ang aking pagkain sabay tanong kung may kailangan pa daw ba ako. Sabi ko’y wala na, sabay abot ng number na ngayon ko lang napansing monthsary pala namin. Coincidence nga naman.

Ilang minuto pa’y dumating na din sya. May dalang isang dosenang pulang rosas at tsokolate. Lumapit sya sa akin na may ngiti sa labi, iniabot sa akin ang bulaklak sabay halik sa aking pisngi. Monthsary kasi namin ngayon eh at hindi sya late, himala.

Ito ang aking lahok para sa ika-107 linggo ng Litratong Pinoy na may temang Numero o bilang (numbers). Ang litrato sa itaas ay kinunan ni Arvin nang minsan sya’y nasa Jollibee. Halina’t bisitahin ang lahok ng iba pang miyembro.

8 Responses to “ LP: Paghihintay ”

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Give your voice a face! This blog uses Gravatars, or thumbnail-sized pictures that's linked up with the email address you use in commenting.

Spam protection by WP Captcha-Free

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.