Nabasa ko sa link post ni Ms. Noemi Dado sa Facebook na sa May 31 daw, may mga former Facebook lovers ang magde-delete ng kani-kanilang FB accounts. Hmm, bigla tuloy akong napagisip, parang gusto kong maikiisa sa kanila.
Nitong mga nakaraang araw, pinagiisipan ko na kung buburahin ko na ba ang FB account ko. Kung bakit, eh dahil gusto ko lang. Tipong para maiba naman. Ayoko na rin kasing masyadong maging public ung buhay ko. Haha. Meganun. Tas sumabay pa ung sunud-sunod na pagkakaroon daw ng problema ng FB sa privacy settings nito. Na hindi naman daw talaga private talaga ang profile mo, pwedeng-pwede pa rin itong makita ng ibang mga tao.
Gusto ko na ring tumigil sa pagfe-facebook para makapagconcentrate ako dito sa pagbo-blog ko. Bago ko pa man gawin ‘tong entry ko ngayon, binuksan ko muna ung mga apps na nilalaro ko – Resto City, Pet Soc, Hotel City at Nightclub City. Masyadong matrabaho ang pagkakaroon ng Facebook. Hindi na masyadong productive ang araw ko dahil dito. Kelangan ko nang kumawala. Ayoko na rin ng mga comments galing sa mga tao na kahit biro eh hindi naman nakakatuwa. Ok, kasalanan ko rin siguro dahil masyado kong dine-detail ang mga nangyayari sa buhay ko. Ang akin lang, sana wag na lang magcomment ung mga wala namang sasabihing maayos. O pwede kayang i-disable ang feedbacks section? Ok ata un.
Kahit na gusto kong burahin na ang account ko, iniisip ko rin naman ung good things na nagagawa ng FB. Totoo naman kasi na “Facebook helps you connect and share with the people in your life”, at sa tulong ng FB eh nakabalita na ako sa mga kaklase ko noong kinder pa lang ako. Gamit ang FB, naplano ko ung mga get together nung umuwi ako ng Pinas. Nakakapagupload ng old skul pictures. Nakakapagshare ng videos. At kung anu-ano pa. Kapag binura ko ang account ko, paano na ako makakapagpost ng link ng bagong entry ng blog? Eh dun na lang ata galing ung readers ng kundiman. Hehe.
Well, May 18 pa lang naman, may ilang araw pa ako para magisip kung buburahin ko na ba talaga ang FB account ko. Tingnan na lang natin. Kung gawin ko man un, maghahanap na lang ako ng iba pang social networking site, tas maaadik na naman ako dun tas gagawan ng entry katulad nito. O kaya, may Friendster pa naman. Haha.
Madami mang problema ang FB ngayon, may advantage pa rin naman ito.

At least, di na nakakalimot ng mga birthdays ang mga tao. LOL.
*picture from http://mildlyhotpeppers.com