Bago pa man ako umuwi ng Pilipinas noong March, nakaplano na ang pagpunta namin ni Arvin sa Enchanted Kingdom. Para sa parehong first timers, hindi kami naligaw at hindi rin kami nahirapan sa biyahe. Ang aga nga namin doon eh, isang oras bago magbukas ang theme park eh andun na kami. Buti na lang din dahil nasa unahan kami ng pila.
Naglibot, sumakay ng rides at kumain. Syempre, hindi mawawala ang photo-op session namin. Pero dahil dadalawa lang kami, kadalasan eh ung isa ang tiga-kuha ng litrato. Wala rin kaming dalang tripod. Kaya naman kapag may pwedeng pagtungan ng camera, ipinapatong ni Arvin doon na naka-timer na lang. In fairness, naging successful naman lahat ng kuha at na-master namin. Hehe.
Pero may mga pagkakataon na kailangan talagang may hahawak ng camera para maging maayos ang kuha ng litrato. Katulad na lamang ng jumpshot. Mahirap na masakto ang pagtalon kapag walang magbibilang na tao sabay pindot ng camera.
Noong una’y sinubukan namin ang magjumpshot na naka-timer lang. Ipinatong ni Arvin sa isang table ang camera at inabangan namin ang ilaw. Pero failure. Hindi talaga namin masaktuhan. Hehe. Kaya naman, sa kabutihang-palad eh may janitress na nagwawalis sa may malapit sa amin at nakitang nahihirapan kami sa pagtalon at pag-aayos ng camera kaya nagprisinta na lamang syang kuhanan kami ng litrato. Naawa na ata sa amin. Hehe.

Ito ang litratong kuha ni Ate. Hindi pa rin nasaktuhan, pero salamat pa rin! Hehe.
Bale tatlong litrato, itong jumpshot, isang kuha sa may lagoon ng Enchanted Kingdom at sa labas, kasama si Eldar ang pinakiusapan namin ang isang empleyado ng EK para kuhanan kami. Ang bait nila diba? Kasi naman, that’s what are strangers are for.
Ito ang aking lahok para sa ika-105 linggo ng Litratong Pinoy na may temang Estranghero (stranger). Ang litrato ay kuha noong nagpunta kami sa EK ni Arvin. Muli, salamat kay Ate para sa litratong ito. Halina’t bisitahin ang lahok ng iba pang miyembro.






