delete-prior

delete prior

Posted 2 years ago blabbers

Nalulungkot ako ngayon:( Kasalanan ko rin kasi, kung bakit pa kasi wala akong magawa kaya ko naisipang magbura ng messages sa telepono ko. Medyo madami-dami na din kasi laman ng inbox ko, kaya panahon na din para magbura. Pero di ko naman ginustong burahin LAHAT. As in LAHAT ng text messages ko sa telepono.

Delete prior. Prior meaning mas nauna. Hindi ko naisip na mabubura lahat ng mensaheng nauna dun sa date na na-select ko. Blonde moment. Nakakaasar. Bakit pa kasi tinamad akong i-check na lang muna ung mga messages bago ko dinelete. Tinamad akong isa-isahin. Nakakaasar talaga.

Ngayon, malinis na ang inbox ko. Nagiisa na lang ung YM convo namin ni Arvin. Sinubukan kong i-retrieve ung mga text, pero hindi nagwork. Lahat ng kakesohan namin, mga simpleng iloveyou, matutulog na ako, tabi tayo, gandang umaga, miss na kita. Lahat ung nawala. Wala na akong mabackread.:( Kasalanan ko naman.

Gara talaga.

3 Responses to “ delete prior ”

  • komski said,

    Hala, gara nga *yakap yakap!* pero hayaan mo, maiipon ulit mga messages natin:D love you!

  • Gail said,

    haha gnayan din ako. Alam mo bang 700+ yung messege na nakasave galing saknya? Puro kakesohan yun. Eh nagaway kame nung new year, oo new year, ayun binura ko lahat. Tapos nagsisi ako. Ngayon nagaway kame ulit nung summer, kaya binura ko yung mga 300+ na messege nya. Galit pa dn nmn ako, pero wala lng ako mabasa pagnamimiss ko sya. Nakakaines. >.<

  • dBlah said,

    lol! hahahaha! kasi naman :))

    btw, random bloghopping! exchange links? just give me a heads up back at my blog. thanks! :)

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Give your voice a face! This blog uses Gravatars, or thumbnail-sized pictures that's linked up with the email address you use in commenting.

Spam protection by WP Captcha-Free

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.