dalawang taon
Dalawang taon.
Oo nga’t nabibilang lamang sa daliri ang araw na nakasama kitang talaga, halos walong libong milya ang layo natin sa isa’t-isa, at madalas akong magtampo’t maginarte, pero hindi ito naging hadlang para mahalin mo ako. At dahil dyan, salamat. Salamat sa lahat ng nagawa mo sa akin, sa pagaalaga, pagintindi. Ramdam kita kahit na napakalayo natin, kahit na online lang tayo nakakapagusap parati. Ang boses mong gumigising sa akin tuwing umaga, ang mga titigan natin sa webcam at mga litratong nagpapamiss sa akin ng mga panahong kasama kita. Sa loob ng dalawang tao’y parang nakakasama na din kita. :)
Napakasaya ko ngayon dahil sayo. ^^ Naging masaya itong huling dalawang taon ko. At hihintayin ko ang panahon na makakasama na kitang talaga. :) Malapit na lang un. Diba? :)
I Love You:) Happy 2nd Anniversary Mahal. *yakap!*






Happy Anniversary sa favorite kong real life Love Team. :) Happy for you guys. *yehey!*
salamat Kingkay!! ^^