walang maisip na title
Dahil sa isang FB status bigla akong nakaramdam ng inggit, pagtatampo. Ewan ko ba. Kasama na rin ang pagkalungkot. Akala ko I’m one of them, pero di pa rin pala.
Nakakamiss ang may social life. Namimiss ko na ung mga kaibigan ko sa Pinas, ung kasama ko sa paglabas-labas o kahit na tambay lang sa bahay at nagtsitsismisan. At dahil wala naman ako sa Pinas, why not maghanap ako ng bagong set of friends ko dito diba? Nakahanap naman ako, pero hindi pa rin talaga un katulad ng mga kabarkada ko. Minsan hindi pa din ako makarelate sa kanila. Siguro dahil na rin sa edad. Nasanay kasi ako sa mga kabarkada ko na ako ang pinakabata, dito kasi Ate Carme ako. Wala bang pagkakaiba? Meron.
Ayon nga, nabasa ko sa status na lumabas ung mga kaibigan ko dito. Lunch, shopping. Tamang gala lang kasama ang girlfriends. Di ako naisama o sinabihan man lang. Nakakalungkot. Well, sige, granted na alam nilang di ako makakasama dahil sa trabaho ko, pero sana sinabihan pa din nila ako. :( Gusto ko din namang magshopping at kumain ng ice cream. Gusto kong malaman ung mga sikreto nila, mga problema para makatulong ako. Para makarelate sa kanila. Gusto ko ng company nila.
Hay. Binabasa ko ‘tong entry ko ngayon, parang napakaloser ko. Ambabaw. Oh well. Buti na lang wala nang nagbabasa masyado nitong blog.





…may nagbasa…
at natural lang na feeling yan dahilang nasa malayo ka nga at bihira ang ka-interact na kababayan mo… but the challenge: more maturity in terms of longings :)
thanks kuya:) masyado lang akong nalungkot ng araw na ‘yon kaya ayan, nakapagpost tuloy hehe:)
i guess, i just have to be mature about it.. salamat po ulit:)
ano na ulit yung address mo dyan sis? puntahan kita bukas na bukas din para gumala tayo. magshopping tayo at magtsismisan.
pero nangyari na din sa akin to. sa fb ko din nakita. nagpunta pala ng ilocos mga college friends ko. di ako sinama. nakita ko lang yung pix nila sa fb. super duper inggit ako. =(
lab kita sissy! wag ka na malungkot. mag movie date na lang kau ni arvin. tsaka ako din wala na din social life. pag gumala ako, palo ako sa pwet ni bf. hahaha! :)
awww sissy!!! love din kita!! *hugs* oo nga, puntahan mo na ako dito, para makagala na tayo!!! ^^ miss na kita:) basta ingat at pakabait ka na lang ha:P
wag nang pasaway. hahaha.. love yah!