Posted almost 2 years ago
inlove
Dalawang taon.
Oo nga’t nabibilang lamang sa daliri ang araw na nakasama kitang talaga, halos walong libong milya ang layo natin sa isa’t-isa, at madalas akong magtampo’t maginarte, pero hindi ito naging hadlang para mahalin mo ako. At dahil dyan, salamat. Salamat sa lahat ng nagawa mo sa akin, sa pagaalaga, pagintindi. Ramdam kita kahit na napakalayo natin, kahit na online lang tayo nakakapagusap parati. Ang boses mong gumigising sa akin tuwing umaga, ang mga titigan natin sa webcam at mga litratong nagpapamiss sa akin ng mga panahong kasama kita. Sa loob ng dalawang tao’y parang nakakasama na din kita. :)
Napakasaya ko ngayon dahil sayo. ^^ Naging masaya itong huling dalawang taon ko. At hihintayin ko ang panahon na makakasama na kitang talaga. :) Malapit na lang un. Diba? :)

I Love You:) Happy 2nd Anniversary Mahal. *yakap!*
Dahil sa hindi ko nakakausap si Arvin tuwing nasa UP sya, kung anu-ano ang naiisip kong gawin. :) Lalo na ngayong malapit na ang anniversary namin. At dahil hindi ko naman sya makasama ngayong busy sya, gusto ko, paguwi nya, may makikita syang makakapagpangiti sa kanya. :)
Natapos na ako sa paggawa ng video na naging successful naman at madami naman ang nakagusto hehe. Mga ilang blog entry na rin ang nagawa ko patungkol sa amin. Video, kwento. Isa na lang ang naiisip kong di ko pa nagagawa – ang pagdo-drowing. Hindi ako marunong magdrawing, kaya buti na lang, may mga online comic strip generator. :)

Natuwa ako sa nagawa ko. Sana si Arvin din.
Ilang araw na lang, anniversary na namin. At ngayon pa lang, nauubusan na ako ng idea kung ano pa ba ang gagawin ko. :P Hehe.
Posted almost 2 years ago
inlove
Kahapon nang magsimula akong ma-curious kung paano gumawa ng stop motion video. Nagkalat sa youtube ang mga ganitong video. Matapos ang ilang video na napanood ko, sinubukan kong gumawa ng sarili ko. :)
Sobrang natuwa ako sa paggawa nung video, at talagang kelangan mo ng tyaga kapag gagawa ka ng ganitong video.. ^^ 212 pictures pa naman! :D weeee… hope this is a start:)
and baby, advance 2nd anniversary gift ko na sayo ‘to:P hehe:)
Posted almost 2 years ago
ldr

Can we pretend that airplanes
In the night sky
Are like shooting stars
I could really use a wish right now
Ito ung mga panahon na iniisip kong sana’y nasa tabi mo ako. Makasama mo, makahawak-kamay habang nagiisip ka. Gusto kong makasama kita. Pero dahil nga sa layo nating dalawa, wala akong magawa kundi ang magpadala ng mga mensahe para malaman mong andito lang ako para sayo. Na kahit ano man ang iyong maging desisyon ay susuportahan ko. Andito lang ako mahal. Sana alam mo yan.