LP: One Message Received
Unang araw ng training sa trabaho, at siyempre nakagawian na mula kinder pa lang na isa-isang magpapakilala lahat at magsasabi ng kaunting tungkol sa sarili. Ngayong araw ay isang bagay naman na kakaiba ang kailangang ibahagi. Hmmm, kakaiba sa akin… May nagsabi na dati silang nageekstra sa mga telenobela ng GMA7. Meron namang nagpakita ng kakaibang skill at kung anu-ano pa. Ako ba? Hmmm…
I still use snail mail to send love letters…
Naalala ko dahil bumili ako ng ipapadalang card nung umagang yun bago pumasok sa opisina. Siyempre ang unang reaksyon ng iba’y bakit pa, e meron naman nang SMS, email, ym, online chat at internet? Oo, ginagamit ko naman lahat yun, kitang nagamit na namin ni karmi ang Twitter, Brightkite, EarthCaller, Bueno, Google Voice at kung anu-ano pang online apps, hacks at workarounds para makapagpadala ng messages at makapag-usap pero iba pa rin ang sulat.
Masayang mamili ng card. Tatayo ka sa isang hilera sa National Bookstore at titignan isa-isa ang mga cards. Kukuha ng isa, bubuklatin, babasahin ang laman at mangingiti habang naiisip mong binabasa rin ito ng minamahal mo. Iniisip mo ang mga magagandang bagay na isusulat mo at sasabihin sa kanya. Aling card ang sakto lang, tamang naglalarawan ng nararamdaman mo at nilalaman ng iyong damdamin.
Habang pinupuno mo ng mga salita ang papel ng iyong sulat at binubuhos mo ang bawat tinitibok ng puso. ‘Di man agad-agad niyang mababasa, ‘di mo man siya kaharap habang binubuo ang bawat talata, kahit hindi mo man maririnig kaagad ang sagot sa bawat tanong, bawat musta?, i miss you at i love you.. Andun pa rin ang tuwa sa pag-iisip na sa susunod na isang linggo o dalawa’y mababasa na niya ang mga sinulat mo, hihikbi, ngingiti, maaasar, kikiligin, matutuwa at tatawa.
Sa mundong nababalot na ng teknolohiya ay mas nakakasabik na ang mga bagay na pinalitan nito.
To send a letter is a good way to go somewhere without moving anything but your heart.
Phyllis Theroux
Ito ay ang aking entry para sa ika-112 na linggo ng Litratong Pinoy na may temang Teknolohiya. Ang litrato sa itaas ay ang aking Samsung M3510 na may 1 message received galing kay karmi at ang sulat niya sa akin noong ika-14 ng Oktubre 2008, na isa lang sa maraming sulat namin sa isa’t isa.





Totoo ka, kaya dapat na sa ngayon pa lang mag collect na tayo nang stamp baka kasi mawala na ito sooner or later. At maganda talaga pag-ang sulat handwriting nang mahal mo mas personal at parang may dating talaga kesa galing sa text or sa email or ecard hehe.
LP~Teknolohiya
agree! sa mga mag-irog sarap ng snail mail. May anticipation, may feelings, may dalang kilig. Pag e-mail kasi very impersonal :( computer ang kaharap mo. Sa sulat, alam mo pinaghirapan yun, may oras na ginugol.???
Agree ako, iba pa rin talaga ang personal messages lalo na yung pinagbuhusan ng effort, gaya ng mailed letter via post office. Hay tagal ko na ring hindi nakakatanggap ng snail mail :D
Happy LP!
Awww, ang sweet naman :)
if am the girl i still prefer snail letters and greetings! mas touching eh.
my entry is now up!
gusto ko nga pa rin ang snail mail..andon kasi iyong personal na pamamaraan. Iba talaga ang dating. Naiinggit ako sa inyo:) maligayang LP!
awww, ang sweet at cute naman ng card ;)
and i agree, nakaka-miss ang mga panahong ini-isa mo ang mga card sa national hahaha! pati na rin ang bigayan ng card nung elementary at highschool (napaghahalataan edad ko). naitago ko pa sa isang kahon ang mga ka-cheesy-han na ito :D
nakakamiss makipagpalitan ng letters :)
ay. huwebes nga pala. LP pala ngayon. wala na naman akong entry. hehehe
ito ang nami-miss ko sa electronic age–ang letter writing at snail mail. my friends tell me that until now they don’t have the heart to get rid of the cards i sent to them a long time ago. and i still have boxes of letters from friends that i still keep, di ko rin maitapon. ang lungkot na di na masyadong uso ang greeting card–text na lang to say “happy birthday” or even “i love you”. nawawala na nga ba ang romance sa electronic age?:p
Ayy. ginagawa k pa din ito at mas naappreciate ko pa din talaga… :D romantic nga!