year 2

Posted almost 2 years ago blog update

Kanina, habang nasa trabaho ako, nakatanggap ako ng email galing 3ix. Hindi ko na kinailangan pang basahin ang laman dahil parang alam ko na kung anung sasabihin sa e-mail. July na kasi, labin-limang araw mula ngayon, mage-expire na itong kundiman.

Last year, gumawa ako ng entry tungkol sa pagdadalawang-isip na pagrerenew nitong kundiman. Hindi na din naman kasi kami active ni Arvin sa pagboblog kaya naisipan kong wag na ding irenew pa ng isa pang taon itong blog. Sabi ni Arvin sa akin, ako daw ang bahala. Nilagay ko sa entry na iyon kung gaano kahalaga itong blog na ito sa aming dalawa. Andito na din kasi lahat ng ala-ala namin mula noong hindi pa kami hanggang sa ngayong dalawang taon na din ang aming relasyon. Hindi ko malaman kung ano nga bang gagawin ko.

Sabihin na lang nating hindi ko kayang mabura ang ala-alang naisulat na namin dito sa kundiman kaya naman nirenew ko ito noong isang taon. Sabi pa ni Arvin, nagulat daw sya na pinagisipan ko pa un, akala daw nya’y bubuhayin namin ang kundiman hangga’t kami pa. Hindi man naging madalas ang pagboblog namin, masaya pa rin ako na nirenew ko ang blog. Ang saya rin kasi na may nakaraan kang nasasariwa sa bawat blogentry na aking muli’t muli’y binabasa.

Ngayon, natanggap ko ang email, nagdalawang-isip pa rin ba ako kung ire-renew ko itong blog? Mauulit ba ang pagkalitong naramdaman ko noong isang taon? Wala nang dala-dalawang isip, nacharge na ung credit card ko eh. Hehe:)

Happy 2nd birthday Kundiman! Kampai para sa panibagong taon ng kakesohan. Sana’y medyo sipagin na kaming magsulat ngayong taon. :)

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Give your voice a face! This blog uses Gravatars, or thumbnail-sized pictures that's linked up with the email address you use in commenting.

Spam protection by WP Captcha-Free

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.