Memoirs of a ——–
Wala pang working title ‘tong plano ko, pero dahil nabanggit ni Arvin ang salitang “memoir” nang aking ikwento sa kanya ang gusto kong gawin, bakit nga ba hindi ko gamitin ang salitang iyon. Memoir. Ang kwento ng buhay ko. Ang hindi ko na lang alam eh kung anong idudugtong. Siguro nama’y pagtagal, may maiisip na rin ako. :)
Sa loob ng sampung taon, mula 2000, ay mayroon na akong diary. Araw-araw, walang palya, sinusulatan ko ito ng kung anung nangyari ng araw na iyon. May kilig, pagkalungkot, galit at may mga araw na parang wala lang. Sa aking pagbabasa’y muling nanumbalik ang mga naramdaman ko, at dito nagsimula ang lahat. Actually, naisip ko ang ideyang ito kagabi, bago ako pumasok ng trabaho, habang naliligo. Naisip ko, paano kaya kung may blog na ako noon pa. Maisusulat ko rin kaya ang bawat nangyari sa akin? Makakaya ko kayang i-share sa mga di ko kakilala ang bawat kwento’t karanasan ko noon? Malamang hindi. Kaya ngayong may pagkakataon, heto’t gagawin ko na. Tulong na rin siguro sa akin ito, tutal, gusto kong bumalik ang hilig ko sa pagsusulat, at para na din maalala ko ang aking nakaraan, para matutong muli.
Anong unang kwentong gagawin ko? Hindi ko pa alam. Babasahin ko muna ang aking diary, at kapag may magustuhan ako, saka ko isusulat. Goodluck sa akin at sa plano ko. Medyo excited na nga ako eh. Hehe. Excited na akong balikan ang aking nakaraan, at sana’y may mapulot na kwento ang kung sino mang makakabasa nito. Sana din may maisip akong magandang title para dito. Hehe.




