LP: Golden Gate Bridge
Muntik ko na namang makalimutang LP nga pala ngayon. Sisihin natin ang pagkakaiba ng oras sa mundo. Hehe. :)
Cross. Wala pala akong picture habang tumatawid. Nakakagulat. Gusto ko pa namang gayahin ung ‘The Abbey Road” album cover ng The Beatles. Pero dahil gusto ko talagang sumali sa LP ngayon, naisip kong hindi lang naman tao ang nagco-cross diba? Pwedeng sasakyan din. Kaya heto ang lahok ko ngayong linggo — Ang pagtawid namin ng kaibigan ko sa Golden Gate Bridge.
Bago pa man ako mapunta dito sa Amerika, gusto ko nang puntahan ang Golden Gate Bridge. Naimpluwensyahan kasi ako ng TV show na paborito ko, ang Charmed. Kaya naman nang ayain ako ng kaibigan kong dalawin sya sa Sacramento, tinanong ko kung pwede ba kaming pumunta ng San Francisco. Pumayag naman sya.
Foggy nang araw na iyon kaya hindi masyadong kita ang tuktok ng bridge. Ang buong akala ko’y titingnan lang namin sa malayo ung tulay, pero ang hindi ko alam, daraanan pala namin. Busy lagi ang tulay na ito, madaming sasakyan at mga taong naglalakad sa gilid. Nakatawid kami sa kabilang-dulo ng tulay, naghanap ng parking at duon na nagpicture taking.
Bumaba din kami ng sasakyan at naglakad sa mismong bridge. Sobrang hangin ng araw na iyon, kaya naman medyo hirap sa pagpipicture-taking. Sakto lang ang panahon, hindiĀ masyadong mainit, hindi rin masyadong malamig, kaya naman na-enjoy ko talaga ang araw na iyon. Hinding-hindi ko makakalimutan ang experience na iyon, na pagtawid ko sa Golden Gate Bridge. Nga pala, ang buong akala ko’y kulay gold ang bridge, pero mali ako. Hehe.
Ito ay ang aking entry para sa ika-115 na linggo ng Litratong Pinoy na may temang Tawid (Cross). Ang mga litrato ay kuha noong 2007, nang aking bisitahin ang kaibigan ko sa California. Hopefully, makabalik ako’t makabisita ulit soon. :)
PS.
Happy 2nd birthday KUNDIMAN! <3







