Asar na naman ako. Hindi sayo pero hindi ko na din alam kung bakit. Ok, alam ko kung bakit. Dahil sa ingay na naririnig ko sa headset. Kaya minabuti ko na lang na huwag ka nang kausapin pa at matulog na lang sa halip na matarayan pa kita lalo.
Ngayon, hindi naman ako mapakali. Alam mong gusto kitang makausap pero naiinis ako kapag hindi kita maintindihan. Tapos idagdag mo pa ang ingay dito sa bahay. Ayoko ng ingay, naiirita ako.
Pipilitin ko na lang matulog ngayon. Sana bukas ok na ako. Nasa mood na para hindi na kita masigawan. Ang sama sa pakiramdam eh. Sorry mahal.
Huling request bago sana ako makatulog, sana magtext ka. Hihintayin ko.

Ilang beses na nabagsak ‘tong frame pero buo pa rin. Matibay kasi :) – arvn
Wala namang perpektong relasyon. Darating at darating ang panahon na magtatalo kayo kahit na napakababaw lang naman. May pagkakataon na hindi talaga kayo magkakasundo kahit na ilang beses nyo nang pinagusapan ang tungkol sa isang bagay. Sabi nga ng kapatid ko, “Everything’s an argument”. Hindi yan mapipigilan, pero pwede namang madaan sa maayos na paguusap.
Mahirap mang aminin, madali akong maasar. Madaling uminit ang ulo. Buti na lang, hindi ganun si Arvin. Mabuti na lang mas mahaba ang pasensya nya kesa sa akin kaya heto, kami pa rin. Hehe. Madalas kasi ay tama si Arvin at nahihirapan akong tanggapin na mali ako. Pero in the end, nagsosorry din naman ako sa kanya kung kasalanan ko naman talaga. Sya rin naman ay ganun. Importante ang paguusap sa isang relasyon. Basta maging mahinahon lang at maging open sa mga sasabihin ng isa’t-isa. In the end, kayong dalawa din naman kasi ang makikinabang. Kayong dalawa na nasa relasyon.
Ilang beses na din kaming nagtalo ni Arvin, katulad nung frame na ilang beses na ding nabagsak. Pero matibay kaming pareho at pinipilit naming magkaayos. Hindi lumilipas ang isang araw na magkagalit kami. Ang sama kaya sa pakiramdam ng ganun. Wala akong ibang magawa kundi magisip. At syempre, hindi din nakatulong na ilang milya ang layo namin sa isa’t-isa. Mahirap oo, pero in the end, sa tuwing naaalala ko ung mga ginawa namin na magkasama at ung mga plano namin, natatabunan ng mga bagay na iyon ang tampo at pagkaasar na nararamdaman ko. Hindi pa din pumapalya, lagi pa din nya akong napapangiti.
Wala akong pasok ngayon, sa wakas, dayoff. Iintayin ko si Arvin na makauwi sa bahay galing eskwela. Masyado lang siguro akong pagod at moody nitong mga nakaraang araw kaya ko sya nasusungitan. Hehe. Gusto kong bumawi sa kanya.
Ano nga bang kinakatakot ko? Bakit dati rati’y hindi naman problema sa akin ang paglalahad ng kung anung nararamdaman ko? Anung nagbago na kahit ako’y hindi ko malaman? Sa tuwing nakakabasa ako ng mga blog ng dating online friends ko, naiinggit ako sa kanila. Sana ako din ganun, tulad nila. Sulat lang ng sulat. Walang pakialam, hindi masyadong iniisip kung tama ba ang ispeling ng bawat salita o kung maiintindihan ba ito ng magbabasa. Ang importante, nailahad mo ang gusto mong sabihin.
Napakaseryoso naman.
Gusto ko lang magsulat. Gusto kong magkwento. Gusto kong mahalin ulit ang pagbo-blog. Hindi na ito ulit balewalain.
Halos isang araw din akong hindi nakapaginternet, kaya naman uber backread ang ginawa ko ngayon sa tumblr. Walang masyadong nagbago sa tumblr, ganun pa din ang mga napopost — videos, mga quotes at litrato ng mga teenager na mahilig kay Hello Kitty. Hindi ko na maalala kung anong page na ang nababackread ko nang bumungad sa akin ang post na ito ni Ramon Bautista.

Ano ang wish mo na nakaready kung sakaling may nakita kang shooting star? Binasa ko ang tanong ng ilang ulit. Kung totoo ngang may shooting star eh malaman nakadaan na ito pero hindi pa din ako nakakaisip ng iwi-wish. Hanggang ngayong ginagawa ko ang entry ko, hindi ko pa din alam kung ano nga ba ang hihilingin ko ng mga oras na ‘yon. Kaya yan na lamang ang naisagot ko, siguro’y sobrang matutuwa at maaaliw ako sa pagkakakita ko sa shooting star kaya hindi na ako makakapagwish.
Hindi ko naisip na hilingin na makasama ka, dahil kahit naman walang shooting star, un ang lagi kong dasal sa bawat araw na hindi kita kasama. Alam ko na mangyayari din ang panahon na un. :)
Ikaw, anung hihilingin mo?