LDR’s middle name is Technology

Posted almost 2 years ago BridgeTheGap

Matagal-tagal na rin nung huli kong post para sa mga services na the best gamitin ng mga taong nasa isang LDR tulad namin. Ngayon ay ieexplain ko ang gamit namin ni karmi na pantawag at pantext.

Naging isang malaking dagok, lol, sa amin ang pagtigil ng Google Voice sa pagsesend ng international SMS nuong simula ng Hunyo. Medyo matagal rin na naghanap kami ng solusyon. Well, ok lang naman sa akin, kasi piso lang ang international text sa Sun. Gamit ko kasi e yung call and text international sim card. Ang problema e kung paano ako itetext ni karmi galing Amerika. Libre kasi sa GVoice dati yun, e wala na. Mahal naman kung via sa Sprint na telco ni karmi. Tinry namin ang Chikka pero ayoko naman nun, hindi kasi pwede pang maramihan. Sinubukan din namin yung Sun iMessenger kung saan makakapaglogin ako sa YM through SMS, kaya lang, masyadong mahal. 100/week para sa unlimited. Buti na lang, merong pang isang service ang Sun, ang SMS2Email.

Send <email address> <message> send to 2575

P150/30 days ang unlimited emails sa SMS2Email. Isang buwan na akong solve kahit gaano kadami pang texts ang isend ko kay karmi dahil na rin ang mga mobile phones sa Amerika ay may kanya-kanyang email address. Pwede rin mag-reply si karmi sa akin dahil unlimited din naman ang kanyang SMS plan at kasama na dun yung pagsesend sa email address. Ang magiging email address nga pala ay 09221234567@sun.net.ph, palitan mo na lang yung number sa number mo sa Sun.

Pero hindi ako tumigil dun. Sinetup ko yung GVoice number ko na kapag may nagtext dun, ay marerecib ko sa Sun number ko, via SMS2Email. At yung mga text ko naman kay Carme ay pinapadaan ko sa GVoice para yun yung number na lumabas ‘pag narerecib niya. Mas friendly, hehe, pero kelngan ng kaunting programming. Kung meron kang GVoice account ay pwede kong isetup na ganito sa Sun number mo :) Para ka lang may mobile phone sa US.

Tip lang kung gagamitin mo ang SMS2Email ay iblock mo yung 2575 para ‘diĀ  mapuno ang inbox mo. Kasi nagsesend siya ng notifications sa kada send mo ng text. Bonus pa sa SMS2Email ay unlimited Twitter notifications at updates.

Sa pagtawag naman tayo, na hanggang ngayon ay wala pa ring murang paraan para makatawag mula sa States papunta dito sa ‘Pinas, bukod sa magdala ka ng isang smart phone na may SIP client, gamitin ang GVoice account at magconnect sa internet via 3G o HSPDA. Mobile inbound/outbound calling na to/from US, P10/30 mins. Hindi ko pa nga lang nasusubukan yan dahil wala naman akong smart phone :P Sinong gustong magbigay? Hehe.

Kaya kelangan pa rin ng PC dito sa ‘Pinas na may matinong internet para makatawag sa US at mas madali na ngayon dahil may free calling na mula sa GMail :D

Simpleng-simple. Sign-up lang ng GMail account ‘tas click lang yung Call phone button. Hindi na kelangan ng GVoice account at wala na ring ise-setup. Pero English/US nga pala dapat nakaset yung GMail account dahil US-only lang itong service dapat, pero pwede pa rin naman:)

Lastly, piso lang ang MMS to email ng Sun! Compose ka lang ng MMS, tas send mo sa isang email address, walang kelangan tandaan na number o special code. Pisong mobile uploads sa Facebook at Tumblr na din ‘yan, hehe. Kung may mga tanong ka pa ay magcomment lang sa ibaba:)

Ang Bridge the Gap series ay pagtatalakay sa mga paraang ginagawa namin ni karmi para mapunan ang layo sa pagitan naming dalawa. Sundan ang serye na ito upang makakuha ng mga tips at ideya sa mga pwedeng gawin upang mabasawasan ang hirap ng pagkakawalay sa minamahal.

citizenship

Posted almost 2 years ago buhay SATown

Ilan buwan akong hindi nakapagtweet at FB status update tungkol dito. Kahit na gustung-gusto ko nang i-blog eh pinigilan ko ang sarili ko. Tanging malalapit lang na kaibigan ko ang nakakaalam. Ayoko kasing pangunahan ang resulta. Sabi ko sa sarili ko, saka ko na lang ibo-blog kapag sigurado na. At ito na ung pagkakataon na un.

Naipasa ko ung interview/exam kanina. Sampung tanong ung nasagot ko kahit na dapat eh tumigil na ung nagi-interview sa pang-anim na tama kong sagot. Napatunayan kong marunong akong magbasa at makapagsulat ng English. Tinanong ako kung parte daw ba ako ng kahit na anong terrorist group. Sabi ko, hindi. Cursive ang pagsusulat kaya napangitan ako sa sulat ko. Mabait naman ung naginterview at nagpapatawa kaya hindi ako masyadong kinabahan. Nakatanggap ako ng papel na nakalagay eh “Congratulations”. Medyo naluha ako nung kinamayan nya ako na ewan ko kung bakit. Hehe. Malamang dahil sa wakas, hindi na ako magrereview tungkol sa American History. Tapos na din ang pressure at kaba na naramdaman ko. Medyo may pag-asa na ang pagiging American citizen ko. Intay na lang ulit ng panibagong sulat kung kailan ang oathtaking. Kelangan ko na namang bumili ng dress para sa ceremony na un. Mapepetition ko na si Arvin. Pwede na. Hehe.

Hay. After 5 years, American citizen na ako. :)

PS. Salamat sa mga kaibigan kong nag-goodluck sa akin. Salamat sa nanay at tatay ko na nagasikaso ng mga papeles. Salamat Papa God dahil di ako masyadong kinabahan habang iniinterview na ako. :)

We’re in love in every way.

Posted almost 2 years ago karaoke

Audio clip: Adobe Flash Player (version 9 or above) is required to play this audio clip. Download the latest version here. You also need to have JavaScript enabled in your browser.

kundiman is back

Posted almost 2 years ago blog update

Ok na ulit ang kundiman. Isang buwan na lang, mage-expire na ang host ko. May isang buwan ako este kami ni Arvin para maglipat ng files.

Babay Shannhost na.

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.