We embrace you as a new citizen of our land, and we welcome you to the American family.
Matapos ang limang taon, naging ganap na akong Amerikano. Inampon na ako ng tuluyan ng Amerika, ang kumupkop at nag-alaga sa akin at sa pamilya ko sa loob ng limang taon.
Parang graduation ang nangyari. 235 lahat ng umattend ng oath. 50 countries ang ni-represent. Pagtawag ng mga bansang pinanggalingan, tumayo ang bawat isa. Nang tawagin ang ‘The Philippines”, tumayo kami ng kapatid ko. Magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman ko nang mga sandaling iyon. Gusto kong umiyak sa tuwa. Hindi ko na napansin ang pagsakit ng aking paa dahil sa sapatos na suot ko. May mga nagsalita, mga bagong citizen lang din. Kinuwento nila ang kanilang pagnanais na makapunta ng Amerika at ang mga sakripisyong kanilang ginawa para lamang matupad ang kanilang “American Dream”. Nagpalabas ng video na nagbigay ng pugay sa mga sundalong nagbuwis ng buhay para lamang sa kalayaan. Naluha ako pagtapos ng video. Nakakatouch kasi. Matapos ang ceremony, nakuha namin ang aming certificate at pumila para magpapicture kasama ang judge. Ito na talaga, Amerikano na ako.
Sa ngayo’y hindi ko pa alam kung ano nga bang responsibilidad ko ngayong Amerikano na ako. Wala namang masyadong nagbago maliban sa pwede na akong bumoto at mas malaki na ang chance ko na matawag para sa jury duty. Pwede na din akong kumandidato. Baka magkaroon na ng kauna-uanahang presidente ng Amerika na Pilipino, hehe. Kailangan ko nang magapply ng passport, kung uuwi man ako ng Pilipinas next year. Iba na ang magiging pila ko sa airport. Makakapunta na ako sa Europe, sa Japan. Madami na akong lugar na pwedeng puntahan.

“You are now part of this precious history”. — Barack Obama
Hay, Amerikano na ako. Salamat President Obama, sa pagwelcome sa akin. :)

Mula 2000 hanggang ngayon, nagsusulat ako sa aking diary. Walang palya, araw-araw. Duon ko naisusulat ang lahat ng aking nararamdaman at saloobin. Madalas eh ung mga hindi ko nailalagay dito sa blog. Saksi ang diary ko sa pagkakilig ko sa bagong crush, pagiyak dahil broken hearted o kaya’y kapag dumarating ang panahon na wala ako sa mood makipagusap sa mga tao. Kung ano man ang maisulat ko sa aking diary ay pribado at walang ibang dapat makabasa. Maliban na lang kung pahintulutan kita. :)
Ito ay ang aking entry para sa ika-121 na linggo ng Litratong Pinoy na may temang Pribado (Private). Paminsan-minsan, lalo na kapag wala akong magawa, binabasa ko ung mga diary ko. Natatawa na lang ako sa mga pinagsususulat ko noon. Madami na din palang nangyari sa buhay ko na masarap balik-balikan.
PS.
Monthsary namin ni Arvin ngayon. :D

Happy Monthsary mahal. :)

David: have you seen what Christine drew?
Lumingon ako kung nasaan ang whiteboard namin. May drawing nga. Dalawang sasakyan, may truck at police.
Me: oh wow. Was that…
David: yup it is.
Dinrowing nya ung aksidenteng nangyari sa amin noong Biyernes. Bigla kong naramdaman ang pagsakit ng likod ko.
Naaksidente kami noong Biyernes, papunta kami ng training. Nagkukwentuhan kami, nagtatawanan. Isang normal na araw para sa amin. Nakita namin ung truck, nakapreno naman kami kaagad. Akala nami’y ok na, hindi pa pala.
Hindi nakapreno ung sasakyan namin sa likod. Tinamaan ang bumper ng sinasakyan namin. Hindi naman masyadong malakas ang impact pero naramdaman namin. Sumakit ang likod at ulo pero salamat naman at hindi naging grabe ang epekto. Ilang minuto pay nakausap na namin ung babaeng nakabangga’t nagfile na ng police report. Buti na lang dumating na kagad yung police. Naka-attend pa kami ng training ng araw na iyon. Late kami ng 30 minutes.
Ngayong tinitingnan ko ang drawing, naisip ko na buti walang nangyari sa aming masama. Ganon pala un pakiramdam na maaksidente, hindi maganda. Hanggang ngayo’y medyo masakit pa ang likod ko na ewan kung dahil dun sa aksidente o dahil malikot akong matulog. Alam kong medyo morbid isipin pero muntikan na akong mamatay ng araw na iyon. Buti na lang hindi. Mace-celebrate ko pa ang pang 26th birthday ko.
Lunes (10/4/10). Kausap ko si Raych sa BBM tungkol sa pagpapalit nya ng cellphone. Ibebenta na daw kasi nya ung Blackberry nya pero hindi pa nya sigurado kung anung telepono ang bibilhin nyang kapalit — iPhone o Blackberry ulit. Hindi man ako Apple fangirl, sinabi ko sa kanya na iPhone na lang ang kunin nya. Dahil sa paguusap namin na un, at dahil mawawalan na din ako ng ka-BBM kapag nagpalit na sya ng telepono, naisipan kong magpalit na din ng telepono. Android phone, ung HTC Evo 4G ang napusuan ko. Naubos ang huling isang oras ko sa trabaho pagbabasa ng forums at reviews tungkol sa Evo. Ang hindi ko lang kasi gusto eh touchscreen ung keyboard. Malaking factor sa akin ang pagtetext at dun ko nga nagustuhan ang Blackberry — dahil sa QWERTY keyboard nito. Kaya medyo alangan akong magpalit ng telepono, pero dahil karamihan ng mga nabasa kong reviews eh naisulat ng mga dating Blackberry users na ngayo’y gumagamit ng Evo, nagdesisyon ako bago ako magclockout sa trabaho na bibilhin ko na ang telepono.
Nagpunta kami ng Best Buy, nagintay ng isang oras pero sawi. Walang available na Evo, pre-order lang pala ang telepono na yun at pang-21 ako kung gagawin ko un. Hindi ako pumayag at nainis pa ako sa sarili ko. Dapat nagtanong na ako umpisa pa lang, para hindi na kami nagantay ng tagal. Pero nangyari na, kaya ikinain na lang namin ang pagkainis. Matapos kumain ay tinanong ako ng tatay ko kung gusto ko daw ba talaga ng bagong telepono, sabi ko’y oo. Kaya naman pumunta kami sa Best Buy na nasa loob lang ng mall. Hindi rin available ung Evo sa branch na un, pero pang-pito lang ako kung sakaling magpapa-order ako. Pero dahil hindi naman ako maghihintay para sa isang telepono, isang Android phone na lang ang pinili ko — ung Samsung Epic 4G.

Droid. BB.
Mas naging OK pa ang pagkakakuha ko sa telepono na yan, dahil may physical keyboard din. Woot! Pangatlong araw ko pa lang na nagagamit at masasabi kong nagagamay ko na. Nabasa ko sa forums na mabilis maubos ang battery life. Pinatotohanan ko yan dahil sa loob ng tatlong araw, mabibilang sa isa kong kamay kung ilang oras lang hindi naka-charge ang telepono ko. Kaya naman ilang forums at articles na din ang nababasa ko para lang maiwasan ito. Tingnan na lang natin kung effectve nga. Medyo nasasanay na din ako sa touchscreen. Onti na lang ang aking wrong spelling. May mga namss din naman ako sa aking BB — ung trackball, @sprint.blakberry.net na email address ko, at ung Starbucks theme. Pwede din bang magpalit ng theme sa Android? Mai-search nga.
Byebye Blackberry. Natuwa ako sa loob ng isang taon na ginamit kita. Nakakalungkot lang na wala nang BBM. Naka-Android na ako. The possibilities are endless, lalo na kapag na-update na sa 2.2 ung Firmware ko. Makagawa nga ng apps. Hehe.